Home Celebrities Angelica Panganiban nagpasaring nga ba kay John Lloyd Cruz: “Asan na siya, bakit nawala na lang”

Angelica Panganiban nagpasaring nga ba kay John Lloyd Cruz: “Asan na siya, bakit nawala na lang”

0

Marami ang nabigla ng tila magpasaring si Angelica Panganiban sa isang tao sa kalagitnaan ng panayam sa kanya ng PopCinema.

Tinanong kasi si Angelica tungkol sa pelikulang “Staring Over Again” nila Piolo Pascual at Toni Gonzaga kung saan ay sinagot niya ito kung ang karakter ba ng aktor dito ay may karapatan na makakuha ng paliwanag mula sa karakter ng aktres.

Isa kasi sa mga pinakanatandaan na linya noon ng pelikula ang “I deserve an explanation! I need an acceptable reason!”

Tila may pinaringgan naman si Angelica sa kanyang kasagutan.

“Oo naman, lahat naman tayp noh! Jusko ako nga hinanahap ko pa rin ‘yung explanation. Nakakabaliw ‘yun, di ba? ‘Yung ‘ano ba ang nagawa ko? Asan na siya, bakit nawala na lang?” ani Angelica.

Sinabi niya pa na napakahirap talaga ng sitwasyon kung saan ay walang nagpapaliwanag sa’yo dahil kung ano ano ang maaring pumasok sa isip mo.

“Kasi walang nag-i-explain tapos ipaiintindi mo na lang sa sarili mo… Parang ang hirap na ikaw lang and gumawa ng dahilan tapos iko-convince mo na sarili mo,” sabi niya pa.

Tila tungkol sa nakaraang relasyon ni Angelica ang kanyang binabanggit sa kanyang sagot.

Matatandaan na ilang beses din nagsalita tungkol sa “ghosting” si Angelica lalo na kapag pinag uusapan ang kanyang relasyon noon kay John Lloyd Cruz.

“Yung pinakamalala, yung di ka brineakan, ‘tapos ikaw, parang, ‘Ha? Akala ko tayo?'” sabi niya pa sa isang panayam noon.

Nagparinig din ito noong 2018 sa bagong karelasyon ng kanyang boyfriend at sinabi na “inagaw” lang naman daw ng nasabing babae ang kanyang dating nobyo.

“Hoy, excuse me, ha! Inagaw mo lang ‘yan sa akin! Tapos, ikaw pa ang proud. Hayerp!”

Noong nakaraang taon naman ay naging prangka si Angelica ng tanungin siya sa ‘jojowain o totropahin’ challenge matapos ipakita si John Lloyd sa screen.

“Bakit nasaan ba siya ngayon? Nahanap na ba siya?” pabirong tanong ni Angelica.

“Kung nahanap ka na, baka naman puwede magparamdam ka at magpaalam ka one last time,” dagdag niya pa.

Nag umpisa ang relasyon ng aktres kay John Lloyd noong 2012 at naghiwalay naman sila noong 2016 bago mapunta ang aktor sa piling ni Ellen Adarna na siya naman ngayong nobya ni Derek Ramsay na dating naging boyfriend din ni Angelica ng anim na taon.

 

Facebook Comments