Home Celebrities Miss Universe PH 2019 Gazini Ganados may tanong sa mga botante: “Aren’t you tired of the system that devastates us?”

Miss Universe PH 2019 Gazini Ganados may tanong sa mga botante: “Aren’t you tired of the system that devastates us?”

0

Isa si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa mga kilalang personalidad na nagpakita ng suporta sa grupong 1Sambayan na binubuo ng mga kilalang kritiko ng administrasyon.

Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Ganados ang mga botante na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang baguhin ang nangyayari ngayon sa bansa.

Inamin niya rin na noon ay wala siyang pakialam sa usaping pulitika ngunit ngayon daw ay nagising na siya sa katotohanan.

Ayon sa kanya ay pagod na siya sa kanyang mga nakikita na nangyayari ngayon sa bansa.

“Dati wala naman akong pake pero I personally have been awakened by the truth. I’m tired of seeing helpless and hopeless collective aspiration..[I’m standing here] not because I am a beauty queen but because I am a daughter, a citizen,” ani Ganados.

“We can empower ourselves to be the change that we want to be and that power is within our fingertips… Aren’t you tired of the system that devastates more than the uplifting that it promised us?” dagdag niya pa.

Naniniwala si Ganados na hindi na kailangan pang umalis ng mga Pilipino sa sarili nilang bansa upang guminhawa ang kanilang buhay basta ay makakapili sila ng mga magagaling na lider.

“We want a generation that doesn’t have to leave the country for a better life because sensible, compassionate leaders prepare for us to have a future that we deserve. Our countrymen have so much untapped potential, and imagine the impact if all of us are given avenues to maximize our growth.” saad niya.

Matatandaan na bigong makuha ni Ganados ang korona ng Miss Universe dahil umabot lamang siya sa top 20.

Ang 1Sambayan ay isang coalition na binubuo ng mga convenors na sila dating Supreme Court associate Justice Antonio Carpio, dating ombudsman Conchita Carpio Morales at dating foreign secretary Albert del Rosario.

Pinagpipilian na ng nasabing coalition kung sino ang i-eendorso nila para sa 2022.

 

Facebook Comments