Home Celebrities Ivana Alawi, lumabag daw sa batas dahil sa pagpapanggap nito na pulubi ayon sa ilang netizens

Ivana Alawi, lumabag daw sa batas dahil sa pagpapanggap nito na pulubi ayon sa ilang netizens

0

Todo todo ang papuri na natanggap ng vlogger, model at aktres na si Ivana Alawi sa mga netizens dahil sa makabagbag damdamin nitong ‘pulubi prank’ kung saan ay makikita na tumulong ito sa ilang mga tao.

Ngunit tila hindi lahat ng mga netizens ay natuwa sa ginawang ito ni Ivana at may mga nakapagsabi pa nga na lumabag sa batas ang aktres dahil sa pagpapanggap nito na isang pulubi.

Punto ng isang netizen, nilabag daw ni Ivana ang Presidential Decree 1563 o ang Anti-Mendicancy Law of 1978 na pinirmahan noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“Presidential Decree No. 1563. Ano ang batas na ito? Ayon sa batas na ito, mahigpit na ipinagbabawal ang PAMAMALIMOS AT MAGPALIMOS,” ani netizen Adam Waked.

Isa pang netizen ang sinabi na baka isipin ng mga tao na hindi labag sa batas ang pamamalimos lalo na’t maimpluwensiya na sa social media ngayon si Ivana.

“Presidential Decree No. 1563 or Anti-Mendicancy Law which prohibits begging or soliciting charitable donations by the poor and other religious organizations on the streets. Giving alms to beggars is also prohibited by law. Giving alms to beggars is also prohibited by law. Her intention is good, but it creates an impression that begging is normal. It may give hope to other beggars that another star/vlogger/influencer would do the same and wait for their luck,” sabi ni netizen Jethro Salamo.

Samantala ay may mga nag kuwestiyon naman kung bukal ba sa puso ang pagtulong ni Ivana o pinagkakakitaan niya lamang ito.

“Old story,,,if you really help people make it in secret way with no drama lady…even your best friend,family,,doesnt know you do a good things…stay safe ivana we love you,” comment ni John Seno.

“Kung mayaman din ako e, mamimigay din ako ng pera in exchange of views. Babalik din sa akin ‘yan e. Ez money, ez content,” sabi pa ni Lance Jasper Dominguez.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Ivana tungkol sa mga sinasabi sa kanya ng kanyang mga kritiko.

Sa ngayon ay umabot na ng 13.6-M views ang nasabing video.

Noong 2016, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niya ng buwagin ang nasabing batas dahil kahit ang mga nangangaroling ay sakop nito.

“One of the things I really hate [about the law] is that this caroling is being prohibited. Do not believe that it should be disallowed. I intend to repeal that law. It’s not good,” ani Duterte.

“Why can’t we get a free pass? While it’s Christmas, the children who are singing carols are gone because it’s prohibited. I cannot see the rationale of the anti-mendicancy law,” dagdag niya pa.

Facebook Comments