Home Celebrities Derek Ramsay, nakipagtalo sa isang netizen matapos siyang ikumpara kay Bea Alonzo

Derek Ramsay, nakipagtalo sa isang netizen matapos siyang ikumpara kay Bea Alonzo

0

Nakipagsagutan ang aktor na si Derek Ramsay sa kanyang mga followers sa Instagram matapos niyang mag post tungkol sa bago niyang istratehiya kung paano niya maiiwasan ang mga naniniwala sa mga alegasyon laban sa kanya.

“I used to rush to defend myself against false accusations but now I watch to see who believes it, so I know who to cut off first.” ani Derek sa kanyang post.

Dito na nag umpisang batikusin ng mga netizens si Derek at ikinumpara pa nga ng isa sa mga nag comment ang aktor kay Bea Alonzo.

“Not being a basher. But you can’t blame other people kasi kaka-break up niyo lang ni Andrea (then) 1 or 2 months kayo na ni Ellen? More than 1 year din kayo ni Andrea ganon lang kabilis mag move on? Popular kang tao natural lang na may sasabihin sila about sa bago mong relationship ngayon. But you know, as long as masaya kayo yun naman ang importante.” sabi ni netizen aratricia.

Maganda naman ang naging tugon ni Derek sa nasabing netizen at sinabi na sana lahat ng tao sa internet ay katulad niya kung maglabas ng kanilang opinyon.

Ngunit may isang comment pa na tila hindi nagustuhan ni Derek.

“You know stop defending yourself. Look at Bea with her famous line ‘Time is the iltimate truth teller.’ Common, time will tell if this is just temporary or for keeps.” sabi ni @bena815.

Dito na sinabi ni Derek na iba si Bea sa kanya.

“That’s Bea dear. I’m not defending myself. This is how I live my life,” sagot ni Derek.

 

Payo ni bena815, dapat ay naghintay ng ilan pang taon si Derek bago siya naghanap ng bagong karelasyon.

Matatandaan na naging kontrobersiyal si Derek pagkatapos niyang aminin na siya ay may relasyon niya sa aktres na si Ellen Adarna, ilang buwan matapos siyang makipaghiwalay sa kanyang ex-girlfriend na si Andrea Torres.

Sinabi pa nga ni Derek na handa na niyang pakasalanan si Ellen kung maari lamang kahit na buwan pa lamang silang magkasama.

Facebook Comments