Home Celebrities TV Host na si Willie Revillame, hinihikayat ni Pangulong Duterte na magsilbi sa bayan sa 2022

TV Host na si Willie Revillame, hinihikayat ni Pangulong Duterte na magsilbi sa bayan sa 2022

0

Matapos ang ilang dekada na pagho-host, eto na nga ba ang tamang oras para kay Willie Revillame upang pumasok sa politika?

Lalong naging matunog ang balita na tatakbo sa susunod na taon si Kuya Wil dahil narin sa pagdalo niya sa isang pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher “Bong” Go.

Lumabas sa ilang pahayagan ang mga litrato ni Willie kasama si Pangulong Duterte at Go at naki ‘DU30 fist’ pa nga ang kilalang TV host.

Hindi man inilabas ang buong detalye ng apat at kalahating oras na pag uusap ng tatlo ay may ilang source naman mula sa pep.ph ang sinabi na tungkol daw sa posibleng pagtakbo ni Willie ang ilan sa mga paksa ng nasabing pulong.

Ayon sa nasabing source ay natutuwa si Pangulong Duterte sa mga ginagawang kabutihan ni Willie sa kanyang kapwa, lalo na sa panahong ito.

Dito na inalok ng Duterte kung gusto ba ni Kuya Wil na lalo pang makapaglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagtakbo para sa isang mataas na posisyon sa gobyerno.

Sumagot naman si Willie at sinabi na “pag iisipan” niya muna ito.

Hindi ito ang unang beses na nabalita si Willie na diumano’y balak tumakbo.

Noong 2018 ay ibinunyag ni Direk Dinky Doo na malaki daw ang tyansa na tumakbo si Willie.

“Actually kina-campaign ko na din siya, kasi kina-campaign ko na siya sa Marawi, sa Mindanao. Naniniwala kasi ako sa kanya na kailangan niya na tumakbo. Kasi madami na siyang pera, kasi hindi na siya magko-corrupt, di ba?” ani Dinky.

 

Facebook Comments