Home Celebrities Angel Locsin, may maanghang na mensahe kay DU30: “Malaking utang, malaking human rights vio”

Angel Locsin, may maanghang na mensahe kay DU30: “Malaking utang, malaking human rights vio”

0

Hindi na naitago ni Angel Locsin ang kanyang saloobin kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihin ng punong ehekutibo na maliit na bagay lamang ang kumakalat na sakit ngayon sa bansa.

Sa kanyang Instagram story, pinuna ni Angel ang sinabi ng Pangulo sa kanyang mga kababayan na kailangang hindi sila matakot dahil maliit na bagay lamang ang kinakaharap ng bansa ngayon.

“Do not despair. Kaya natin ito C0VID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan mas ano, mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo… Lahat kayo ‘wag kayong matakot,” ani Pangulong Duterte.

Hindi sangayon si Angel at sinabi na malaking bagay daw ang problema ngayon ng bansa.

Ayon kay Angel ay malaki ang problema ngayon ng bansa kasama na rito ang lumulobong utang ng gobyerno at pati narin ang mga human rights cases.

“Maliit na bagay? Baka po sa inyo, Sir. Para sa amin po kasi malaki. Malaking utang. Malaking taas ng cases. Malaking human rights violations,” ani Angel.

Isa si Angel sa mga kilalang kritiko ng administrasyon at naging taga suporta rin ito ng ABS-CBN sa gitna noon ng usap usapan na ipapasara ito ng gobyerno dahil sa mga diumano’y iligal na ginawa ng nasabing istasyon.

Lalong pinag usapan noon si Angel dahil sa malaking pinagbago ng kanyang katawan matapos siyang magkaroon ng karamdaman.

Naging laman din siya ng mga pahayagan ng madawit ang pangalan ng kanyang kapatid bilang isa diumano sa mga miyembro ng NPA.

Facebook Comments