Kung si Ogie Diaz daw ang manager ni Mariel Padilla ay hindi niya ito pagsasalitain kahit na siya ang diumano’y pinagkakalat na nanigaw daw sa internet celebrity na si ivana Alawi.
Sa kanyang vlog, sinabi ni Ogie na Mariel ang pangalan ng aktres at hindi M kaya hindi nito kailangang magbigay ng reaksyon sa blind item ni Ivana.
“Kasi unang una pa, sino tayo para mag claim na si Mariel yun? Eh yun ngang nagsabe ng letra, letra lang sinabe pano tayo mag coconclude na si Mariel. So pagpalagay na naten si Mariel yun, ako kilala ko si Mariel. Kung merong mega PR diyan, si Mariel mega PR yan. Di ko lang alam sakin kasi mega PR si Mariel. So hindi ko alam kay Ivana nung araw. Eh pano naman kawawa naman si Mariel kung hindi naman siya yung M na tinutukoy,” ani Ogie.
Matatandaan na noong Pebrero ay ikinuwento ni Ivana na siya ay ipinahiya noon ng isang TV host na hindi niya pinangalanan.
Kumalat naman ang isang balita na si Mariel daw ang nasabing TV host dahil sa dati nitong social media post kung saan ay pinupuna nito ang isang personal assistant na nakigamit sa kanyang banyo.
Ipinakita pa ng ilang netizen ang tweet ni Padilla noong 2018.
“Sumugod siya. Palagi ko siyang pinapanood noong bata ako kaya idol na idol ko siya. Noong nakita ko, parang napangiti ako tapos parang pinagsisigawan niya ako roon sa dressing room sa harap ng ibang artista. Tapos parang sabi ko, ‘Hala!’ Tapos sabi niya: ‘You! Why is your (personal assistant) in my room, ha? Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos.’ Ang dami niyang sinabi,” kwento ni Ivana.
“Tapos naalala ko ‘yung reaksiyon ko noon, ‘Sorry po, sorry po.’ As in sorry ako ng sorry. Tapos sobrang na ano ako kasi parang sa harap ng ibang artista, sobrang ipinapahiya ako as in,” dagdag niya pa.
Itinago niya na lamang ang TV host sa pangalang “M”.
Hindi naman pinansin ni Mariel ang blind item ni Ivana kahit na madami ng tao ang itinuturo siya.