Home Celebrities Model at aktor na bago diumanong karelasyon ng aktres na si Bea Alonzo, kilalanin

Model at aktor na bago diumanong karelasyon ng aktres na si Bea Alonzo, kilalanin

0

Matapos umamin ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa kanyang bagong relasyon, tila si Bea Alonzo naman ngayon ang napapabalita na mayroon ng bagong iniibig.

Noong 2019 pa lamang ay pinag uusapan na sa social media ang tunay na relasyon ni Bea sa aktor at model na si Dominic Roque.

Ilang litrato kasi at social media post ang tila naging clue ng mga netizen para malaman na may espesyal na relasyon ang dalawa.

Noong 2019 ay nakita na magkasama si Bea at Dominic sa kanilang biyahe sa Japan at kahit mismong si Angel Locsin ay tila kinilig sa kanilang dalawa.

Bea Alonzo at Dominic Roque

May Instagram post pa nga sila na makikita na tila magkasama ang dalawa sa isang restaurant dahil pareho ang backround ng mga litrato na kanilang ipinakita sa kanilang fans.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Nag post pa nga ng nakakakilig na mensahe noon si Dominic kay Bea.

“tila ako’y nabighani…” ani Dominic matapos ipakita ang litrato nila ni Bea.

Nakita din ang dalawa noon habang naglilibot sa Baguio City.

Samantala ay sinabi ng tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo na masaya siya para sa kanyang pamangkin at kay Bea.

“For me, that’s the mature way to handle it. Kumbaga, I think they’re very confident and happy sa wherever their relationship… kung saan man sila ngayon,” ani Beth.

“If you’re not admitting anything, you’re not also denying anything. Kung nakita kayong magkasama, eh ‘di kayo magkasama. Kung magkahiwalay ang picture n’yo sa Amanpulo, eh ‘di magkahiwalay picture n’yo,” dagdag niya pa.

Pinaalalahanan din ni Beth si Dominic na kailangan niyang tibayan ang kanyang loob lalo na’t sikat na artista si Bea.

“Alam mo ‘yun… because Bea is the biggest star. Sabi ko sa kanya baka later on you will get a backlash from people saying that nakikisawsaw ka lang sa kasikatan ni Bea or whatever. ‘Yung… you don’t have your own identity and just like riding sa career niya something like that. It’s hard. You might get feedback from other people na hindi maganda, deadmahin mo na lang. You know naman what to do and kung saan kayo masaya,” sabi niya pa.

Hindi pa kinukumpirma ni Bea at Dominic ang kanilang relasyon.

Ayon sa ilang fans ay naniniwala sila na gusto na lamang maging pribado ni Bea tungkol sa kanyang relasyon matapos ang hindi magandang karanasan niya noon kay Gerald.

Facebook Comments