Home Celebrities Valentine Rosales ng Christine Dacera case, bumanat sa mga otoridad: “Ang daming isyu na hinaharap ng bansa ngayon”

Valentine Rosales ng Christine Dacera case, bumanat sa mga otoridad: “Ang daming isyu na hinaharap ng bansa ngayon”

0

Tila hindi natutuwa si Valentine Rosales sa natatanggap nilang publicity hanggang ngayon dahil sa kasong kinakaharap nila dahil sa sila ang huling nakasama ng flight attendant na si Christine Dacera.

Isa si Valentine sa mga pinaka aktibong respondent ng Dacera case sa social media at ngayon ay nagsalita muli siya matapos magsampa ng reklamo ang NBI laban sa kanyang mga kasamahan.

Hindi man kasali si Valentine sa mga inireklamo ng NBI ay todo tanggol parin siya sa kanyang mga kasamahan.

Ayon sa kanya ay mas maraming isyu ang dapat hinaharap ng bansa ngayon at hindi silang mga pinaghihinalaang sangkot sa nangyari sa flight attendant.

Tinawag niya rin ang aksyon ng NBI laban sa kanyang mga kasama na “pakiki sawsaw” dahil mas marami pa daw dapat intindihin ang nasabing ahensiya.

“Ang daming issues na fine-face natin ngayon. Ba’t dito nakasentro? Ang kalaban namin is ‘yung family and right now it seems na tahimik na sila pero bakit pati ‘yung NBI? Ang daming nakikisawsaw sa isyu na to. Ang dmaing kailangang tuunan ng pansin ng bansa natin, hindi lang itong case na ‘to,” ani Valentine.

Matatandaan na si Rosales ang isa sa mga nakita sa CCTV footage sa mga huling sandali ni Dacera.

Nakita pa nga ang dalawa na tila naglalambingan, ngunit itinanggi ni Valentine na may relasyon sila ng flight attendant.

Iginiit niya noon na isa siyang “gay” at hindi kailanman papatol kay Christine.

Naharap muli si Valentine at ang ilan niyang kasama sa kontrobersiya ng gamitin nila ang pangalan ng flight attendant para sa kanilang Tiktok video.

Facebook Comments