Home Social Media Sen. Ping Lacson, tinawag na ‘perwisyo’ ang gobyerno sa gitna ng diumano’y pagsasara ng Skyway 3

Sen. Ping Lacson, tinawag na ‘perwisyo’ ang gobyerno sa gitna ng diumano’y pagsasara ng Skyway 3

0

Kahit na hindi pa kumpirmado ang balita na isasara ang Skyway Stage 3 ay bumanat na kagad si Senador Ping Lacson sa gobyerno.

Sa isang tweet, binanatan ni Lacson ang gobyerno dahil sa lumabas na balita na isinara ang nasabing daanan dahil sa desisyon diumano ng Toll Regulatory Board (TRB).

“Perwisyong gobyerno. Another case of over regulation. They closed Skyway 3 indefinitely until all the ramps are completed. Sana, isinara lang ang mga ramps na hindi pa kumpleto. Walang huwisyo!” ani Lacson.

Hindi nagbigay ng impormasyon kung gaano katagal isasara ang Skyway Stage 3.

Ngunit kalaunan ay itinanggi ng mismong presidente ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang na hindi nila isasara ang Skyway sa mga motorista.

Ayon kay Ang ay kinausap niya na si Department of Transporation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at sinabing sila na ang bahala na kumausap sa TRB.

Samantala ay itinanggi din ng TRB na may utos sila na ipasara ang Skyway.

“This is to inform the public that the Toll Regulatory Board (TRB) DID NOT ISSUE a decision or directive ordering the indefinite closure of the Skyway Stage 3 starting 5 p.m. of 16 March 2021,” saad ng nasabing ahensiya.

Ang Skyway Stage 3 ang isa sa mga pinaka importanteng daanan ngayon sa NCR dahil ito ang nagdudugtong sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).

Dahil sa nasabing daanan ay naging 20 minuto na lamang ang kailangang gugulin ng mga motorista sa kanilang biyahe papuntang NLEX kung mangagaling sila sa SLEX.

Sa ngayon ay hindi pa naniningil ang SMC sa mga motorista na gumagamit ng Skyway.

Facebook Comments