Home Celebrities Marvin Agustin, pumalag sa curfew na ipinapatupad: “Ano ba ang virus nightshift?”

Marvin Agustin, pumalag sa curfew na ipinapatupad: “Ano ba ang virus nightshift?”

0

Kinuwestiyon ng dating aktor at ngayo’y negosyante na si Marvin Agustin ang ipinapatupad na curfew ng gobyerno.

Sa isang Facebook post, pumalag si Marvin na may ari ng ilang restaurant sa Pilipinas kung bakit kailangang ipatupad ng gobyerno ang curfew sa gitna ng tumataas na kaso ng nakakahawang sakit sa Pilipinas.

Tanong ni Marvin, may oras ba ang pag gala ng virus at kailangang ipagbawal ang paglabas ng mga tao kapag gabi.

“Nalilito ako, may curfew sa gabi para daw makaiwas sa COVI9, pero sa umaga ang daming tao sa labas. Ano ba ang virus nightshift?” tanong ni Marvin.

marvin 4

May ilan namang netizens ang nagpaliwanag kung bakit kinakailangang gawin ng gobyerno ang nasabing polisiya.

“I think to minimize lang the risk. Minimize the possible exposure. Since kapag gabi it is better to stay at home if wala namang work. Isa pa, usually yung mga lumalabas kapag gabi, hangout/night out lang naman reason (except for those who work),” ani netizen @shin_raemi07.

“To lessen the needed frontliners na magbabantay at night, makapagpahinga naman sila. And avoid NON-essential activities like partying, get-togethers after hours. Isip2 din tayo, sana po para di lang MEMA,” sabi ni @bubblee03906293

“Para yan hindi kayo pumunta sa night clubs, drinking session, at kung ano ano pang aktibidades na hindi WORK OR TRABAHO,” comment naman ni @eto_tome.

Sa ngayon ay lalong naghipit ang mga lugar sa Metro Manila dahil sa “surge” na nangyayari ngayon.

Ipinapatupad ngayon ang common curfew mula 10 p.m hanggang 5 a.m sa loob ng dalawang linggo.

Exempted sa nasabing patakaran ang mga nagta-trabaho ng nightshift.

Facebook Comments