Home Celebrities Anak ni Yorme Isko na si Joaquin “JD” Domagoso, ayaw tumira sa Malacanang: “Baka umiba na iyong tingin ng tao sa akin”

Anak ni Yorme Isko na si Joaquin “JD” Domagoso, ayaw tumira sa Malacanang: “Baka umiba na iyong tingin ng tao sa akin”

0

Ayaw diumano ng anak ni Manila City Mayor Isko Moreno na si JD na tumira sa Malacanang kung sakali man na mamuno ang kanyang ama sa buong bansa pagdating ng panahon.

Sa isang panayam ng pep.ph, sinabi ni JD na hindi niya pinangarap na tumira sa palasyo dahil baka magiba na daw ang takbo ng kanyang buhay lalo na’t magiging parte siya ng first family.

“Sana po hindi, sana po hindi! Sa akin, ayoko talaga, ayoko talaga. Wala, parang… baka umiba na iyong tingin ng tao sa akin or magiging mahirap ang buhay, e. May bodyguard ka na lagi. E, di papaano iyon, papaano ka makaka-enjoy ng buhay? ‘Tsaka delikado,” ani JD.

Kahit daw mismo ang kanyang ama ay ayaw tumakbo bilang Presidente.

“Hindi, opinyon ng dad ko, ayaw niya namang magtakbo bilang Presidente, e. Hanggang mayor lang po siya,” sabi niya.

Matatandaan na isa sa mga napupusuan ng mga netizens si Yorme para maging susunod na pinuno ng bansa.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag desisyon si Yorme at inuuna niya munang asikasuhin ang mga problema ng kanyang nasasakupan.

“I swear to God thank you, akalain mo na basurero lang ako, maging Mayor lang ako ang laki ng blessing, not every garbage collector literally from the slum ay magiging Mayor tapos ngayon kinokonsider niyo ako (na maging Presidente) salamat sa inyo, I’m really grateful,”  saad ni Isko ng tanungin siya noon tungkol sa kanyang plano.

Ayon sa protocol ay kailangang bantayan ng Presidential Security Group (PSG) ang pinuno ng bansa kasama na rin ang kanyang pamilya.

Hindi basta basta maaring gumalaw ng mag isa ang mga miyembro ng first family ng walang pahintulot ng PSG.

 

Facebook Comments