Home Celebrities Tekla, tila may nararamdaman parin ang ex niya si Michelle Lhor Bana-ag kahit na ipinagkanulo siya nito kay Raffy Tulfo

Tekla, tila may nararamdaman parin ang ex niya si Michelle Lhor Bana-ag kahit na ipinagkanulo siya nito kay Raffy Tulfo

0

Makalipas ng ilang buwan ay napilitang umamin ang komedyante na si Romeo Librada o mas kilala bilang Super Tekla sa kanyang nararamdaman sa dati niyang kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag.

Matatandaan na noong Oktubre ng nakaraang taon ay isinumbong ni Michelle si Tekla sa programa ni Raffy Tulfo dahil diumano sa masamang pagtrato nito sa kanya at pati narin sa kapatid niya na ginugutom daw ng komedyante.

Pinaulanan noon ng batikos ng mga netizens si Tekla, ngunit kalaunan ay nalaman ng mga tao na may mapupuna rin pala kay Michelle at sa kanyang kapatid kaya naman nabaliktad ang sitwasyon.

Sa isang vlog, tinanong ng isa sa mga kasama ni Tekla kung may nararamdaman parin siya kay Michelle, na siya naman kagad niyang sinagot.

Sa una ay tila itinatanggi pa ni Tekla ang kanyang totoong saloobin, ngunit napaamin din ito kalaunan ng Donita Nose.

“Mahal ko pero hindi na pwede… Pwede sana pero wala na eh,” ani Tekla.

Hindi na pinilit ni Donita na sumagot ng malinaw si Tekla.

Natawa nalang din ang komedyante ng sabihan siya ni Donita na nanonood ang kanyang dating kinakasama sa mga vlog niya.

May ilang netizens naman ang tila kinakabahan sa sinabi ni Tekla dahil baka posible pang balikan ng komedyante si Michelle.

“Move on na pareng tekla dami p babae jan mgpayaman k n lng total my anak kna din set a side mo muna babae like ur mechele n un walang kwinta,” ani Lilis Suslawati.

“Tama ka jan walng kwenta..kung ayaw mu mawala ang lahat ng blessing saiyo..forget that gurl…..sinira nia buhay mu..asa ka pa tekla ha….parang gusto mu paaaaaaa asusssss,” sabi ni Jocelyn Regio.

“Nahihiya lang siya sabihin pero halatang mahal niya pa, buti na lang alam niya na hindi na sila pwede. Masisira na naman ang buhay niya kapag binalikan niya pa yun,” comment ni Bangtan Sonyeondan.

Kahit na hindi maganda ang pagtatapos ng kanilang relasyon ay maayos naman diumanong nakapag usap si Tekla at Michelle bago maghiwalay.

Sa ngayon ay nasa kusdiya ni Michelle ang kanilang anak na si baby Angelo.

Facebook Comments