Home Social Media Reporter sa Cebu, nanampal ng babae sa kalagitnaan ng raid ng PDEA dahil daw walang face mask

Reporter sa Cebu, nanampal ng babae sa kalagitnaan ng raid ng PDEA dahil daw walang face mask

0

Isang reporter ngayon ang inuulan ng batikos sa social media dahil diumano sa pananampal nito sa isang babae.

Tila idinaan ng mamamahayag na nakilala bilang si Benjie Talisic ang batas sa kanyang kamay matapos nitong manampal ng isang babae dahil diumano’y hindi ito nakasoot ng face mask.

Ayon sa post ng Cebu Social Media, nangyari ang insidente sa kalagitnaan ng raid na isinasagawa ng PDEA dahil ito ang madalas na binabantayan ni Talistic para makagawa ng istorya.

Huling huli sa CCTV ang ginawang ito ni Talisic na nagta-trabaho sa isang kilalang pahayagan.

Ilang mga bata din ang nasaksihan ang ginawa ng reporter.

Gigil na gigil naman ang mga netizen at sinabi na walang karapatan si Talisic na gawin ito sa kanyang kapwa kahit na lumabag man ito sa ipinapatupad na health protocols ng gobyerno.

Samantala ay nagbigay ng mensahe si Talisic sa kanyang mga kababayan sa wikang Cebuano.

Humingi naman ito ng kapatawaran sa kanyang ginawa, ngunit pinuna parin ng mga netizens ang tila pagtatangol niya sa kanyang sarili.

Buti na nga lang daw at may CCTV kundi ay maaring makalimutan na lamang ng mga tao ang ginawa ng reporter.

Hiningi naman ng mga tao ang tulong ni Raffy Tulfo upang mabigyan ng leksyon ang nasabing reporter.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pinagta-trabahuhang pahayagan ni Talisic at ang babaeng nakatanggap ng sampal dito.

Facebook Comments