Home Celebrities Julia Barreto sa kanyang mga kritiko: Ano man ang gawin kong maganda, may masasabi parin sila

Julia Barreto sa kanyang mga kritiko: Ano man ang gawin kong maganda, may masasabi parin sila

0

Tila hindi na alam ni Julia ang kanyang gagawin para mapaganda ang opinyon ng tao sa kanya.

Sa isang panayam, parang halos ipasumpa niya na ang kanyang mga kritiko dahil sa mga pinagsasabi nito sa kanya lalo na sa kasagsagan ng third party issue na kinaharap niya noon.

Dahil daw dito ay natutunan niya na lamang na hindi pansinin ang mga netizens na pinapaulanan siya ng masasamang komento dahil wala rin naman daw siyang magagawa para baguhin ang kanilang paniniwala.

“The older I’m getting, I’m slowly starting to realize how important it is to compartmentalize — what matters and what doesn’t matter,” ani Julia.

“Sometimes, when it’s the opinion of people who don’t have a significant role in your life, who really don’t matter to you, who you don’t even know, I’m never going to be affected by it. You don’t know me, I don’t know you, we can’t judge each other. It’s just not possible,” dagdag niya pa.

Mas naniniwala siya ngayon na mas importante ang sasabihin ng mga taong malalapit sa kanya.

“So keep going, keep doing you. Wala, may masasabi, e. Kahit ang ganda na ng nagawa mo, meron pa rin silang masasabi. May taong ganoon, e,”

Minsan daw ay naiisip niya rin na baka may pinagdadaanang problema ang kanyang mga kritiko at sa kanya na lamang nila ibinubuhos ang kanilang sama ng loob.

“I’m always hoping for the best for them everytime I reply. For you to be talking to me this way, you must be going through something. Kung at peace ka, masaya ka, you’ll not talk to anybody that way. I look at it na, maybe they’re not okay, maybe there’s something they want to improve or change in their life na hindi pa nababago. I just don’t want to judge also, because I know what it’s like to be judged,” saad niya pa.

Matatandaan na usap usapan ngayon sa social media si Julia dahil sa pag amin nito sa relasyon nila ni Gerald Anderson.

 

 

Facebook Comments