Home Celebrities Gerald Anderson naghahanda na daw para sa kanyang future family: “I think yun rin yung purpose ng buhay,”

Gerald Anderson naghahanda na daw para sa kanyang future family: “I think yun rin yung purpose ng buhay,”

0

Tila handa na si Gerald Anderson na magtayo ng pamilya kasama ang kanyang nobya na si Julia Barreto.

Sa isang panayam, inamin ni Gerald na pinaghahandaan niya na ang pagtatayo ng sarili niyang pamilya at ginagamit niya ito bilang motivation para lalong magsipag sa trabaho.

Naniniwala si Gerald na lahat ng tao sa mundo ay ang purpose ay magparami at magbigay buhay.

“Siguro timing ng buhay natin, eh. Alam na rin natin yun na parang pag mas malapit na ako du’n, eh. And kumbaga gusto ko rin makakita ng malilit na ako, alam mo yun? Yung mga aalagaan ko rin.

“It will also give me yung extra motivation rin to work at pagbutihin ko yung trabaho ko. Ako I think yun rin yung purpose ng buhay nating lahat, di ba? Is to bring life also sa mundo na ‘to.

“And as men, provide for our families. Timing din ng buhay. Sabay-sabay nangyari, yung sa edad ko, pandemic,” 

Kasalukuyang abala si Gerald sa kanyang proyekto na “init sa Magdamag” kasama si Yam Concepcion at JM De Guzman.

Hindi naman nagsalita si Julia kung handa na nga ba siyang maging Mrs. Anderson.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pag amin ng dalawa sa kanilang relasyon dahil naungkat sila noon sa third party issue kasama ang aktres na si Bea Alonzo.

 

Facebook Comments