Home Celebrities Footage ni Billiard Legend Efren Bata Reyes, habang hinuhuli ng mga otoridad dahil sa paglalaro nito ng pool ng walang kaukulang permit, pinag usapan

Footage ni Billiard Legend Efren Bata Reyes, habang hinuhuli ng mga otoridad dahil sa paglalaro nito ng pool ng walang kaukulang permit, pinag usapan

0

Maraming netizens ang nag alala matapos mapabalita na hinuli ng mga otoridad ang legendary billiard player na si Efren “Bata” Reyes sa Laguna dahil diumano sa paglabag sa health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.

Sa isang video, makikita si Reyes na naglalaro ng pool kasama ang ilan pang manonood sa isang bilyaran sa San Pedro, Laguna.

bata

Matapos ang ilang minuto ay biglang dumating ang mga miyembro ng SWAT upang ipaalam sa mga kasama ni Reyes na ipinagbabawal ang kanilang ginagawa.

Makikita rin na kinukumpiska ng mga otoridad ang mga pool equipment na ginamit sa nasabing laro.

“Ganyan pa ang gusto niyo mangyari. Hindi kayo nakikinig sa barangay,” sabi ng isa sa mga pulis na nasa video.

efren 3

Tumaas naman ang boses ng mga otoridad dahil diumano sa ilang mga nahuli nila na hindi nakikipag-cooperate sa kanila.

Ayon sa mga otoridad ay lumabag si Reyes sa health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.

Matanda na rin ang 66-anyos na pride ng Pilipinas kaya naman nakiusap ang mga otoridad kay Reyes na huwag ng uulitin ang kanyang ginawa dahil para naman daw ito sa kanyang kapakanan.

Kalaunan ay walang isinampang reklamo laban kay Reyes at pinauwi na lamang nila ito.

Isa sa mga pinakahinahangaang tao sa Pilipinas si Reyes dahil sa kanyang galing sa bilyar at pati narin sa kanyang masayahin at simpleng pagkatao.

Kaya naman napakadaming netizen ang hindi naitago ang pagkadismaya dahil sa ginawa ng mga otoridad sa kanya.

 

Facebook Comments