Home Celebrities Sinabi ni Bea Alonzo kay Ethel Booba takaw atensyon: “Di ako mahilig makipaglandian sa katrabaho ko”

Sinabi ni Bea Alonzo kay Ethel Booba takaw atensyon: “Di ako mahilig makipaglandian sa katrabaho ko”

0

Nagpasaring nga ba si Bea Alonzo sa kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson at Julia Barreto?

Sa panayam ng komedyante na si Ethel Booba kay Bea ay nagbahagi ang aktres ng mga detalye tungkol sa kanyang buhay, kasama na dito ang kanyang love life.

Ibinahagi ni Bea kay Ethel ang kanyang mga nakatrabaho sa showbiz katulad nila Enrique Gil, Ian Veneracion, John Lloyd Cruz at Derek Ramsay.

Tinanong naman siya ni Ethel kung may nanligaw na ba sa kanya na naging leading man niya sa isang project.

“Wala eh, baka hindi ako mahilig makipaglandian sa katrabaho ko, ang hirap ‘yung mag away kayo sa taping,” ani Bea.

Ilan sa mga netizens ang hindi maiwasan na ikonekta ang sagot ni Bea kay Ethel dahil ang kanyang ex noon na si Gerald at si Julia Barreto ay naging magkatrabaho sa pelikulang “Between Maybes” bago pumutok ang third party issue.

Binanggit niya si John Lloyd bilang pinaka-hot sa kanyang mga naging leading man.

“He’s hot kasi matalino siya, magaling siyang umarte,” sabi niya.

Isa rin sa kanyang mga ibinahagi ay ang mga hilig niyang pagkain.

“Buti na nga lang, dapat ang ayaw ko ay garlic para layuan ako ng mga multo,” ani Bea.

Matatandaan na inakusahan noon ni Bea si Gerald ng “ghosting” dahil iniwan na lamang daw siya diumano ng aktor sa ere.

Umabot na ng daang libong views ang nasabing pahayag ni Bea.

Naging usap usapan muli si Bea dahil sa pag amin ni Gerald at Julia na sila’y magkarelasyon.

Nag post naman ito ng isang misteryosong mensahe sa kanyang social media account kung saan ay sinasabi niya na “time is the ultimate truth teller”.

 

Facebook Comments