Magsasampa na ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga nakasama ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera noong araw na makita itong walang buhay sa kanyang hotel room.
Inanunsyo ito ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin sa isang panayam.
Ayon sa kanya ay magkaiba ang reklamo ng NBI sa isasampa ng PNP laban sa mga suspek.
“We maintain the level of confidentiality insofar as the full result of the investigation is concerned. Out of respect to DID,” ani Lavin.
Inirekomenda ng NBI na magsasampa sila ng obstruction of justice, perjury, and reckless imprudence resulting in homicide laban sa mga suspek na sila Mark Rosales, Rommel Galido, John Dela Serna, Gregorio De Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymay Englis, Darwin Macalla Dela Serna, Rapinan, Chen, at Louie De Lima.
Pati ang legal counsel ng mga nasabing suspek na si Neptali Maroto ay damay din sa asunto.
Samantala ay inirekomenda naman na sampahan ng reklamo si Rosales at Galido dahil diumano’y namahagi ito ng ipinagbabawal na gamot sa araw na makitang walang buhay si Dacera.
Matagal ng itinatanggi ng mga suspek na may ginawa silang masama kay Dacera.
Ngunit naniniwala ang pamilya ni Christine na may nangyaring hindi maganda sa flight attendant.