Home Social Media Hungry Syrian Wanderer, ibinahagi ang CCTV footage na kuha habang ninanakawan ang kanyang restaurant

Hungry Syrian Wanderer, ibinahagi ang CCTV footage na kuha habang ninanakawan ang kanyang restaurant

0

Hindi maitago ni Basel Manadi o mas kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer” dahil sa pagnanakaw na naganap sa kanyang restaurant.

Ipinakita ni Basel ang CCTV footage kung saan makikita na nitong Marso 12 ng madaling araw ay may isang lalake na pumasok sa kanyang restaurant na YOLO at pinuntirya ang mga perang naiwan dito.

Ayon kay Basel ay dumaan sa binatana ang suspek na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan sa ngayon.

Sinabi ng vlogger na may dalawang tattoo sa braso ang suspek na nakasoot ng face mask habang isinasagawa ang kanyang pagnanakaw.

“If you happen to know this guy or anything about this incident Kindly let our staff in YOLO Naga branch know about the details as We had to close our shop today for few hours due to this incident,” ani Basel.

Nakilala ang nasabing vlogger dahil sa kanyang pagtulong sa mga mahihirap nating kababayan.

Facebook Comments