Home Celebrities Frankie Pangilinan, tila dismayado sa proyektong “revirginize” ng kanyang ina na si Sharon Cuneta

Frankie Pangilinan, tila dismayado sa proyektong “revirginize” ng kanyang ina na si Sharon Cuneta

0

Tila dismayado ang singer na si Frankie Pangilinan sa gitna ng bagong proyekto ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Matatandaan na inanunsyo ni Sharon na siya ay gaganap sa bagong pelikula ng “Tililing” director na si Darryl Yap na pinamagatang “revirginized” kung saan ay makakatambal ng megastar, 55 ang aktor na si Marco Gumabao, 25.

Sharon Cuneta kasama ang kanyang batang leading man na si Marco Gumabao

Sa kanyang tweet, tila nagrereklamo si Frankie kung kailan daw titigil ang industriya na gawing katatawanan ang mga kababaihan para sa entertainment.

Dito na nagkaroon ng pagdududa ang mga netizens kung pinapatamaan nga ba ni Frankie ang proyekto ng kanyang ina.

“@kakiep83 if we’ll stop supporting and giving platforms to guys like Darryl Yap. Oops *sips tea*.” sabi ng isang netizen.

Nagbigay naman ng tugon si Frankie sa nasabing netizen at sinabi na wala siyang kontrol sa desisyon ng kanyang mga magulang.

“Why do y’all think i have control over ppl around me fr” ani Kakie.

Tila naging emosyonal naman si Kakie sa mga susunod niyang tweet.

“For the last time, I have no control over the things that members of my family do or opportunities they’re given. (crying emoji)”

“Like I wish I did??? I’m just as frustrated??? But don’t pretend you’re able to do the sam with your people too  come on.”

“I’ll always have a conversation and I’ll always make my thoughts known ha but that’s about as far as it goes, I can’t change minds or manipulate anybody that’s not my style so (please do not hold me accountable.”

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang megastar sa reklamo ng kanyang anak na kilala na sa pagiging maingay nito sa iba’t ibang isyu.

Naging kontrobersiyal ang direktor na si Darryl Yap dahil sa kanyang mga pelikula.

 

Facebook Comments