Dalawang bata ang nasagip ng mga otoridad sa Cagayan De Oro City matapos itong makita ng ilang concerned citizen na nakakulong sa isang nakaparadang sasakyan.
Ayon sa mga residenteng nakakita sa mga bata ay halos 30 minutong namalagi ang mga bata sa loob ng sasakyan na ni aircon man lang ay hindi binuksan.
Napag-alaman na sinadya pala ng ama ng mga bata na edad tatlo at isa na iwanan ito sa loob ng sasakyan ng halos kalahating oras dahil sa inaasikaso nitong ibang bagay.
Dahil dito ay wala ng nagawa ang mga otoridad kundi basagin ang salimin ng sasakyan upang mailigatas ang mga bata sa kapahamakan.
Makikita na pawis na pawis ang mga bata dahil sa hindi nakabukas ang airconditioner ng sasakyan.
Maari kasing umabot ng mahigit 38-46 degrees celsius ang loob ng nakatigil na sasakyan kung isang oras itong nakatigil at walang aircon na nakabukas.
Wala namang kaalam alam ang ama ng mga bata na pinagkakaguluhan na pala ng mga tao ang kanyang mga anak.
Hindi naman sinampahan ng reklamo ang ama ng mga bata dahil nangako ito na hindi niya na uulitin ang kanyang ginawa.
Ayon sa Child Safety In Motor Vehicles Acts, mahigpit na ipinagbabawal ang pag iwan sa mga bata sa loob ng sasakyan.
Ang mga lalabag dito ay nahaharap sa karapampatang multa na umaabot sa 5,000 piso o dika’y suspensyon ng lisensya.