Home Celebrities Bea Alonzo, sinabing hindi na kailangang dumaan ni John Lloyd Cruz sa panliligaw kung magiging sila: “Ang tagal na naming magkasama

Bea Alonzo, sinabing hindi na kailangang dumaan ni John Lloyd Cruz sa panliligaw kung magiging sila: “Ang tagal na naming magkasama

0

Pinakilig muli ni Bea Alonzo ang mga fans nila Popoy and Basha dahil sa kanyang sinabi tungkol sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na naging patok sa mga netizens ang tambalang Bea at John Lloyd sa pelikulang One More Chance noong 2007 at A Second Chance noong 2015 kung saan ay gumanap sila bilang Popoy at Basha.

Sa panayam sa kanya ni Ethel Booba ay sinabi ni Bea na si John Lloyd talaga ang pinaka gusto niyang leading man na kanyang nakatrabaho.

Ilan sa ibang naging leading man niya ay sila Ian Veneracion, Derek Ramsay, Sam Milby, Enrique Gil at Paolo Avelino, pero si John Lloyd talaga ang tumatak sa kanya.

“He’s hot kasi matalino siya, magaling siyang umarte,” sabi niya.

Ayon sa kanya ay mas gusto niya ang mga lalaki na matatalino.

Hindi naman nagdalawang isip si Ethel na tanungin kung may pag asa ba si John Lloyd sa kanya lalo na’t single ito matapos silang maghiwalay ng dati niyang nobya na si Ellen Adarna.

Sagot naman ni Bea, hindi na kailangang dumaan pa sa panliligaw ni John Lloyd.

“Manliligaw? Siguro kung sakaling magiging kami hindi na kami aabot sa ligawan na kasi 20 years na kasi kaming magkasama, so there’s nothing to discover,” ani Bea.

“Kasal na agad,” pabirong dagdag niya pa.

“Nakakatawa naman kasi ‘yun kung dadaan pa kami sa girlfriend boyfriend,” 

‘Bet’ niya rin naman si John Lloyd ngunit hindi pa sila umaabot sa punto na na in love na sila sa isa’t isa.

“Pero kung mahal, mahal ko ‘yun (John Lloyd),” saad niya.

Plano na ni Bea na magkaroon ng anak sa susunod na tatlong taon dahil narin sa kanyang edad.

Parehong pinag uusapan ngayon si John Lloyd at Bea dahil ang kanilang mga naging nakaraang karelasyon na sila Ellen at Gerald Anderson ay may mga bago ng ka-partner.

 

 

Facebook Comments