Isa si Jim Paredes sa pumalag sa pagbabawal ng mga otoridad sa mga mag partner na ipakita ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa sa publiko.
Matatandaan na nakiusap ang Philippine National Police (PNP) sa mga couples na huwag muna silang maglambingan sa publiko bilang pagsunod sa health protocols.
Ayon sa PNP ay noon pa lamang ay bawal na ang PDA at ngayon ay pinapaalala lamang muli nila ito sa publiko.
“This is a mere reiteration of previous advisory from the government. Kahit naman po since the start of restrictions, bawal ang mga public displays of affection talaga,” ani PNP spokesperson Brig. Gen. Usana.
“Bawal po magtabi at magkakausap ng malapitan ang sinuman, bawal po ang pagpunta sa mga matataong lugar na nagsisiksikan ang bawat isa… Alam po ng mga tao ang bawal po.” dagdag pa niya.
Hindi naman nagustuhan ng legendary OPM artist ang nasabing patakaran dahil ang mga couple naman daw ay nagsasama sa iisang bubong.
“If u are living in the same house & you display affection with your wife, or sibs in public, how will that cause the spread of covid? How abt carrying ur baby sister? Too many grey areas. Isn’t banning PDA a bit Talibanic?” ani Paredes.
Pabor naman ang ilang followers ni Paredes sa kanyang paniniwala na tila sobra naman ang pinapairal na polisiya ng mga otoridad.