Home Social Media Col. Bonifacio Bosita, hinamon ang opisyal ng MMDA na si Nebrija na sampahan siya ng kaso: “Wala akong nakikitang mali sa ginawa ko”

Col. Bonifacio Bosita, hinamon ang opisyal ng MMDA na si Nebrija na sampahan siya ng kaso: “Wala akong nakikitang mali sa ginawa ko”

0

Walang plano si retired Col. Bonifacio Bosita na makipag usap sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at kay traffic czar Edison Bong Nebrija.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Bosita na handa naman daw siyang magpakumbaba kung siya ay mali, ngunit wala naman siyang nakikitang masama sa kanyang ginawa.

Nitong nakaraang linggo ay naging kontrobersiyal si Bosita dahil sa paninita nito sa isang enforcer ng MMDA na siya namang ikinagalit ni Nebrija.

Hamon ni Bosita kay Nebrija, dapat ay ituloy ng opisyal ang pagsasampa ng reklamo laban sa kanya upang mapatunayan na siya ay mali sa ginagawa niyang adbokasiya.

“Hindi ako nakikialam sa trabaho nila, ang pinakikialaman ‘yung ating mga kapatid na motorista at hindi ako papayag na inaapi sila, kaya yung tanong mo kapatid na may balak ba ako, wala at kung babalikan mo ‘yung post ni Col. Nebrija ay sinasabi niya na sasamapahan niya ko ng kaso, kaya kung naniniwala siya na ako ay mali, pinakamaganda talaga ay magsampa siya ng kaso laban sa akin,” ani Bosita sa bandang 41:00 ng nasabing pahayag.

“Kaya kung ako may pag kukulang, ay mag pagkakamali ay ito ay mapapanagutan ko sa pamamagitan ng nasabing complaint niya,” dagdag niya pa.

Itinanggi din ni Col. Bosita na sinabihan niya ang enforcer na sinita niya na hindi niya ilalabas sa internet ang nasabing insidente.

Ayon sa kanya ay 31 taon siyang nag serbisyo sa publiko at hindi niya nagawa na linlangin ang isang tao.

Kinumpirma niya naman na humingi ng pabor ang nasabing enforcer na protektahan ang kanyang privacy at ito lamang ang pinangako ni Bosita.

Mariin niyang itinanggi na nagbigay siya ng kondisyon para hindi i-upload ang nasabing insidente.

Hamon niya muli kay Nebrija na patunayan niya ang kanyang mga akusasyon.

“Yung statement ni Col. Nebrija ay kwento lang sa kanya, 100% hindi po totoo,” saad ni Bosita.

Paliwanag niya ay inilalagay niya ang mga ginagawa niya sa internet para malaman ng publiko ang tama at mali.

Hindi rin niya diumano nagugustuhan ang sistema ng pagco-contest ng mga traffic violation.

“Yung sinasabi ni Col. Nebrija na bakit ako daw ay galing sa PNP at HPG ay hindi ko daw ba alam ang due process na tinatawag, for the information of everybody ako ay nabu-bwisit pag naririnig ko na kapag nahuli ka ay i-contest nalang,” sabi niya.

 “Hindi po ako sang ayon diyan, alam mo na nga na mali i-contest mo pa. Samantalang ilang araw na proseso, mag file sila ng contest, mag schedule sila ng hearing, mag schedule ng resolution, 3 days,” dagdag niya pa.

Luging lugi daw ang rider sa ganong sistema dahil sa ilang araw silang liliban para ipaglaban ang kanilang panig.

“Dapat pag nakita mo na mali ‘yung huli desisyunan mo na agad,” ayon sa kanya.

Matatandaan na nagbanta si Col. Nebrija na magsasampa siya ng kaso laban sa retiradong pulis dahil sa pangingialam nito diumano sa trabaho ng MMDA.

“Ilabas mo ang batas na nagtatalaga sayo ng kapangyarihan na pagbayarin ang enforcer namin ang isang araw na sweldo ng hinuli nila, baka usurpation of authority ka boy para iutos at ipilit sa enforcer namin yan.” ani Nebrija.

“Kung may problema ka sa huli namin bilang dating pulis at myembro ng HPG alam mo dapat sa adjudication nireresolba yan at wala kang karapatan pakialamanan huli ng enforcer namin. Kapag mali enforcer namin yaan mong yung hearing officer maresolution nyan at di ikaw. Eh kung gusto mong maghearing officer, eh magapply ka sa MMDA at di yung nagpapasikat ka sa YouTube. Marami ka bang views? Malaki na ba kita? Pangpondo na sa eleksyon?  Dapat din daw ay mag apply itong hearing officer ng MMDA kung gusto niya talagang makatulong at hindi idaan sa kanyang mga vlogs ang “pagpapasikat”.” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments