Home Celebrities Agot Isidro: “Ang sakit magbayad ng buwis kapag walang silbi ang gobyerno, no?”

Agot Isidro: “Ang sakit magbayad ng buwis kapag walang silbi ang gobyerno, no?”

0

Bumanat muli ang aktres na si Agot Isidro sa gobyerno, at ngayon ay tungkol naman sa buwis na kailangang bayaran ng mga tao.

Sa isang tweet, tila hindi na ginaganahan magbayad si Isdro ng kanyang buwis dahil sa nakikita niya diumanong mababang performance ng kasalukuyang administrasyon.

“Ang sakit magbayad ng buwis kapag walang silbi ang gobyerno, ‘no?” ani Isidro na kilalang kritiko ng gobyerno simula pa noong 2016.

Pabor naman ang ilang mga followers ni Agot sa kanyang opinyon.

“33% pa naman. Ang Australia 30%. So para tayong first world country when taxed. Pero walang subway, sidewalk, first class police, malinis na kalye. Wala. Magagalit pa pagnagreklamo ka. Na “mayabang” ka daw. Gusto pangit na kapaligiran, yung hindi “konyo”. Lol” ani @ceruleantimes.

“Exactly po. Sana talaga naisabatas yung bill na gustong gawin ni Bam na may say ka in which you want to allocate yung hard earned tax sa gobyerno,” saad ni Joseph Muyo.

“Kada kinsenas nalang mapapa- mura ka talaga,” comment naman ni @ToniSpeaksEasy.

“Sobra! Nakakasama ng loob! Harap-harapan kung waldasin, ibulsa at ipasahod sa mga incompetent na appointees nila!” sabi pa ni @algeramos.

Hindi lang ito ang unang beses na nagreklamo si Isidro tungkol sa buwis na kanilang binabayaran.

Noong 2019 ay pumalag din si Isidro sa itinayong million dollar cauldron na ginamit para sa SEA GAMES.

“Million and more reasons for everyone to not want to pay our taxes. Sa g*guhan na ganito napupunta ang buwis natin,” sabi ni Isidro.

“Game ka pa ba, Pilipinas?” dagdag niya pa.

Kahit ano mang reklamo ni Isidro ay wala namang takas ang kahit sino Pilipino para hindi sila makapagbayad ng buwis.

Facebook Comments