Home Celebrities Prangkang komento noon ng ina ni Gerald Anderson para kay Julia Barreto at Bea Alonzo, pinag usapan muli: “Ayoko kasi may edad na rin si Gerald sayo,”

Prangkang komento noon ng ina ni Gerald Anderson para kay Julia Barreto at Bea Alonzo, pinag usapan muli: “Ayoko kasi may edad na rin si Gerald sayo,”

0

Pinag usapan muli sa social media ang prangkang komento noon ng ina ni Gerald Anderson na si Mrs Evangeline Opsima tungkol kay Bea Alonzo at Julia Barreto.

Nakaagaw ng atensyon noon sa mga netizens ang mga nga naging pahayag ni Evangeline tungkol sa mga babaeng na-link sa kanyang anak na si Gerald.

Sa isang panayam noon ng ABS-CBN ay sinabihan noon ni Evangeline si Julia na hindi niya ito gusto para sa kanyang anak na si Gerald dahil sa layo ng agwat ng kanilang edad.

Kasalukuyang 32-anyos si Gerald habang 24-anyos naman ang kanyang bagong kasinatahan na si Julia.

Ayon sa ina ni Gerald ay hindi siya kumpiyansa na magtatagal ang relasyon ng kanyang anak at ni Julia.

“Julia, hindi ibig sabihin hindi kita gusto, bata ka sa anak ko, baka lang ilang taon lang, wala na rin. O maybe three months, wala na kayo,” prangkang pahayag ni Evangeline.

“Hindi ko sinasabing ayaw kita, no, ang akin lang, ang advice ko lang sayo, please, ayoko kasi may edad na rin si Gerald sayo. Hindi rin kayo magtagal kasi alam ko, nasa industriya ka rin. Alam ko yung relasyon laro lang.” dagdag niya pa.

Naging maanghang din ang mga pahayag ni Evangeline sa ex ni Gerald na si Bea.

“Bea, siguro alam mo na ako, walang gusto sa’yo bilang naging girlfriend ng anak ko. Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko. Ina niya lang ako,” sabi niya.

Lagi mong pinapatamaan ang anak ko. Ano na ba kasama si Gerald?” dagdag niya pa.

Matatandaan na noong 2019 ay naging laman ng mga pahayagan ang love triangle issue sa pagitan ng tatlong artista.

Dalawang taon matapos ang nasabing isyu ay umamin si Gerald na siya ay may relasyon nga kay Julia.

 

Facebook Comments