Home Social Media Col. Bonifacio Bosita sinagot kung tatakbo nga ba siya sa ilalim ng isang party-list: “Wala akong plano, pero kailangan kong tumakbo”

Col. Bonifacio Bosita sinagot kung tatakbo nga ba siya sa ilalim ng isang party-list: “Wala akong plano, pero kailangan kong tumakbo”

0

Walang nakikitang masama ang retiradong colonel na si Bonifacio Bosita sa kanyang ginawang paninita sa isang enforcer ng MMDA.

Sa isang panayam sa radyo na tumagal ng mahigit isang oras, ikinuwento ni Bosita ang nangyari ng araw na pagsabihan niya ang nasabing enforcer dahil sa paghuli nito sa isang motorista dahil walang tsinelas ang angkas nito.

Iginiit ni Bosita na hindi siya nangingialam sa trabaho ng mga enforcer katulad ng inaakusa sa kanya ni MMDA traffic czar Edison Bong Nebrija.

Ayon sa kanya ay ginagawa niya lamang ang kanyang magagawa para ipanggol ang mga motorista na nahuhuli dahil sa maling dahilan.

Naniniwala kasi siya na kapag ipinagpatuloy ng mga enforcer ang panghuhuli kahit na mali ang basehan ay maraming tao ang maapektuhan nito.

“Hindi ako nakikialam, pinagtanggol ko lang ‘yung mag asawang rider dahil nakita ko na mali yung panghuhuli at mapeperwisyo itong mga to kapag pinayagan natin ‘yung ganung sistema,” paliwanag ni Bosita.

Itinanggi rin ni Bosita na ginagawa niya lamang ang pagtulong sa mga kapwa niya riders para kumita ng pera gamit ang kanyang Youtube vlog.

Ayon sa kanya ay maliit lang ang kinikita niya sa kanyang channel na nagkakahalaga lamang ng 18,000-30,000 kumpara sa kanyang ginagastos sa pang araw araw.

“Yung kay Col. Nebrija na accusation is baseless, speculation lang, why? For the information of everybody, yes totoo may natatanggap po ako na some amounts from Youtube, masasabi ko napakaliit na amount nito at ito ay hindi sapat para aking mga gastuhin para suportahan itong ating adbokasiya,” sabi ni Bosita.

Dagdag niya pa ay napakadami daw tao ang ginagamit ang kanyang video ng walang permiso ngunit hindi siya umaaksyon para alisin ang mga nasabing channel dahil hindi naman pera ang kanyang habol dito.

Ayon sa kanya ay aabot ng daang libong piso ang kanyang kikitain sa channel kung gagawa siya ng aksyon para maalis ang mga kumokopya ng kanyang video pero hindi pa siya gumagawa ng aksyon dito.

“Kung sa akin napupunta ‘yun totoo yung sinasabi ni Col. Nebrija na malaki ‘yung kinikita ko sa Youtube,” sabi niya.

Sinagot niya rin ang paratang sa kanya na tatakbo siya sa politika kaya todo ito tulong sa kanyang kapwa.

Ayon sa kanya ay wala siyang plano noon tumakbo sa ilalim ng isang party list.

Paliwanag niya ay ilang taon na niyang ginagawa ang kanyang abokasiya na pagtulong sa mga motorcycle riders at hindi niya hinangad ang pumasok sa politika.

Pero naisip niya na kailangan niyang tumakbo para irepresenta ang mga riders.

Ngunit ang problema naman ay hindi niya ito napaghandaan.

“Definitely no, why? Kung plano ko ay mamulitika ay dapat pinaghandaan ko itong party list, hindi ko napaghandaan itong party list ang dami palang requirements, kasi wala akong plano but nitong mga taong ito, sabi ko ang daming problema ayaw ko at wala akong plano pero kailangan kong tumakbo,” ani Bosita.

“Hindi ko ito napaghandaan, kung talagang may plano ako na mamulitika I think ang haba ng panahon ko, dapat napaghandaan ko,” sabi niya pa.

Kumpiyansa naman si Bosita na mananalo siya sa party-list kung planado niya lahat ito, ngunit ang problema ay kulang ang kanyang preperasyon dito.

“Kung ano man ang mangyayari sa 2022, di ko alam, siguro susuporta ako or hindi ko alam,” sabi niya pa.

Matatandaan na binanatan ni Nebrija si Bosita dahil sa diumano’y pangingialam nito sa trabaho ng mga enforcer ng MMDA.

Nagbanta din si Nebrija na magsasampa siya ng reklamo kung uulitin muli ni Bosita ang kanyang ginawa.

 

Facebook Comments