Home Social Media “Walang iwanan!” Arnold Clavio, natulala matapos iwanan sa ere ng reporter na kanyang tinatanong

“Walang iwanan!” Arnold Clavio, natulala matapos iwanan sa ere ng reporter na kanyang tinatanong

0

Hindi maipaliwanag ang emosyon ng betaranong mamamahayag na si Arnold Clavio matapos siyang iwanan sa ere ng reporter na si Bam Alegre sa kanilang morning news program.

Sa kanilang programa na Unang Hirit ay nasa Cardinal Santos Medical Center si Alegre upang i-update ang mga tao tungkol sa nangyayaring pagbabakuna sa nasabing lugar.

Matapos mag bigay ng report si Alegre, ay nagtanong si Clavio kung makakadalo ba ang isang alkalde sa nasabing ospital kahit na mayroon itong karamdaman.

Mapapansin na tila hindi naririnig ni Alegre ang tanong ni Clavio at hawak hawak parin nito ang mikropono na parang naghihintay.

Arnold Clavio 1

Matapos ang ilang segundo ay bigla na lamang itong naglakad paalis.

Natulala na lamang ang beteranong mamamahayag dahil sa pagtataka sa ginawa sa kanyang pang iiwan sa ere.

Nahuli naman sa camera ang kasamahan ni Clavio na si Susan Enriquez habang pinipigilan ang kanyang tawa.

arnold 2

Maririnig pa sa backround na tila nanunuya pang nagpasalamat si Clavio kay Alegre.

“Ano kayang nangyari doon?” tanong ni Arnold sa kanyang mga kasamahan.

Kumalat ang nasabing clip sa social media.

Tila ayos lang naman kay Arnold ang ginawa sa kanya dahil siya mismo ang ibinahagi ang nasabing video sa kanyang social media account.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Alegre sa nasabing insidente.

Facebook Comments