Home Celebrities Gerald Anderson wala na daw pakialam sa kanilang mga kritiko: “Maraming tao diyan mas malala, nangungurakot”

Gerald Anderson wala na daw pakialam sa kanilang mga kritiko: “Maraming tao diyan mas malala, nangungurakot”

0

Wala na daw pakialam ang aktor na si Gerald Anderson sa kanyang mga kritiko.

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, sinabi ni Gerald na unulan sila ng mga masasamang komento mula sa mga netizens pati narin ang kanyang nobya na si Julia Barreto.

Dahil dito ay nasanay nalang sila at hindi na niya ito iniintindi pa.

Narealize niya rin na kahit anong gawin niya ay hindi na mababago ang opinyon ng tao sa kanya.

Nagtataka nga siya kung bakit siya ang pinupuntirya ng tao imbis na yung mga mas malalang tao katulad ng ilang “politiko” daw na kinukupit ang pera ng bayan.

”Siguro sa mga intriga na darating, lalo na sa social media ang dali-dali lang sa Facebook magbigay ng comment kahit sobrang sakit na parang hindi ko ma-imagine na kaya kong mag-type ng ganu’ng kasamang comment tungkol sa ibang tao. Pero kailangan may perspective ka rin, eh. Kumbaga, sobrang binash ako, sobrang may nagalit sa akin sa social media dahil sa lovelife ko. Minsan nakahiga ako sa kama, iniisip ko yun na parang, ‘Ang daming nagagalit sa akin dahil sa lovelife ko,” ani Gerald.

“Maraming tao diyan na mas malala, nangungurakot.So pag ganu’n yung iniisip mo, mababawasan, eh. Nagagalit dahil sa lovelife ko, dahil hindi nag-work yung relationship ko, kailangan may perspective ka,” pahayag pa ni Gerald sa nasabing interview,” dagdag pa niya.

Sabi niya pa ay kuntento na siya ngayon sa kanyang buhay at hindi na iniisip na pilitin pang pabanguhin ang kanyang pangalan.

“Hindi ko naging goal yun sa buhay ko na sabihin, ‘Please, sana mag-iba yung isip niyo sa akin.’ Hindi naman. Kailangan tuloy pa rin yung buhay. Wala akong tinatapakan na tao,” saad niya.

Matatandaan na naging kontrobersiyal muli si Gerald dahil sa pag amin niya na may relasyon sila ni Julia.

 

Facebook Comments