Sa unang pagkakataon ay pumalag ang retiradong pulis na si Col. Bonifacio Bosita matapos siya pagbantaan na sasampahan ng reklamo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic czar Col. Edison Bong Nebrija.
Sa kanyang social media post, ipinakita ni Bosita ang isang artikulo mula kay Dan Torio kung saan ay makikita ang paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino na sinusubukang i-contest o kwestiyonin ang huli sa kanila ng mga enforcer.
Ayon kay Torio ay ang ticket ang nagkakahalaga ng 500 ngunit kung naniniwala ka na mali ang enforcer na sumita sa’yo ay kailangan mo itong i-contest.
Paliwanag ng netizen ay maaring lumiban sa trabaho ang isang indibidwal kung susubukan nitong kwestiyonin sa MMDA ang kanyang huli.
Sa kanyang kalkulasyon ay aabot ng 1,900 pesos ang magagastos ng isang taong nagco-contest ng kanyang huli kaya’t ang iba ay napipilitan na lamang bayaran ang ticket kahit na naniniwala sila na wala naman silang kasalanan.
Dito na nagsalita si Col. Bosita at sinabi niya na ang post ni Torio ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya sang ayon sa pinipilit ni Nebrija na sundin ang diumano’y due process sa pag-contest.
Ayon sa kanya ay kung susundin ng mga motorista ang mungkahi ni Nebrija ay lalo lamang silang maaabala.
“Makikita ninyo sa ibaba ang TUNAY NA DETALYE at dahilan kung bakit hindi ako sangayon sa sinasabi ni COLONEL NEBRIJA na due process. Alam yan ng marami pero hindi yan alam ng mga hindi suma-sangayon sa IPINAYO KO sa Enforcer na bayaran na lamang ang danyos sa kapatid natin.” ani Bosita.
“Sa umiiral na sistema na nais niyang mangyari (due process) ay laging talo at kaawa-awa ang mga kapatid nating motorista kahit na walang paglabag, hindi naman pinapanagot ang Pulis o ang Enforcer na nagkasala sa panghuhuli,” dagdag niya pa.
Ilang araw lamang ang nakakaraan ay sinabi ni Nebrija na magsasampa siya ng reklamo kay Bosita kung mangingialam muli siya sa mga ginagawa ng mga MMDA enforcer sa EDSA.
Matatandaan na sinabi ni Bosita sa isang traffic enforcer ng MMDA na kailangan nitong bayaran ang isang araw na sweldo ng kanyang hinuli na motorista dahil ang angkas nito ay hindi nakasoot ng sapatos.
“Ilabas mo ang batas na nagtatalaga sayo ng kapangyarihan na pagbayarin ang enforcer namin ang isang araw na sweldo ng hinuli nila, baka usurpation of authority ka boy para iutos at ipilit sa enforcer namin yan.” ani Nebrija.
“Kung may problema ka sa huli namin bilang dating pulis at myembro ng HPG alam mo dapat sa adjudication nireresolba yan at wala kang karapatan pakialamanan huli ng enforcer namin. Kapag mali enforcer namin yaan mong yung hearing officer maresolution nyan at di ikaw. Eh kung gusto mong maghearing officer, eh magapply ka sa MMDA at di yung nagpapasikat ka sa YouTube. Marami ka bang views? Malaki na ba kita? Pangpondo na sa eleksyon? Dapat din daw ay mag apply itong hearing officer ng MMDA kung gusto niya talagang makatulong at hindi idaan sa kanyang mga vlogs ang “pagpapasikat”.” agdag niya pa.
Ayon naman kay Bosita ay wala naman sa batas na nagbabawal sa mga angkas ng motor na magsoot ng tsinelas.
Pumalag muli si Nebrija at sinabi na ang kanyang katanungan lamang ay kung ano ang karapatan ni Bosita na utusan ang kanyang enforcer na bayaran ang mga motorista kapag mali ang kanilang huli.
“Wala naman akong sinabi na tama enforcer namin, what I said was there is a process for that,” sabi niya.