Home Celebrities Kaibigan ni Bea Alonzo na si Janus Del Prado may mensahe sa gitna ng pag amin ni Gerald Anderson at Julia Barreto

Kaibigan ni Bea Alonzo na si Janus Del Prado may mensahe sa gitna ng pag amin ni Gerald Anderson at Julia Barreto

0

Pinaringan nga ba ng aktor na si Janus Del Prado ang kanyang kasamahan sa showbiz na si Gerald Anderson sa gitna ng pag amin nito sa kanyang relasyon kay Julia Barreto?

Malapit nag magkaibigan si Janus at ang ex ni Gerald na si Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram ay nag post ng ilang mga quotes si Janus tungkol sa pagiging tahimik at sa pag ibig.

“Let them talk and dig their grave while you win in silence,” ani Janus.

“No matter how it ended. You do not destroy someone you used to love.” dagdag niya pa.

Makikita na ang mga nasabing mensahe ay ni-like mismo ni Bea.

Matatandaan na simula ng maghiwalay si Bea at Gerald ay hindi ito naging masyadong maingay tungkol sa isyu.

Hindi rin ito sumagot noong nag post si Julia ng mensahe para sa kanya.

Matapos ang ilang taon ay inamin din nitong nakaraan lamang nila Gerald at Julia na mayroon talaga silang relasyon.

Sa panayam pa nga ng talkshow host na si Boy Abunda kay Gerald ay tila sinabi pa nito na hindi maganda ang naging relasyon niya kay Bea kaya’t nagdesisyon nalang ito na umalis.

“Hindi narerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap. After months and months and months and months of being on the rocks and [puro] away,” ani Gerald.

 

Facebook Comments