PInag aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasampa ng reklamo laban kay retired Col. Bonifacio Laqui Bosita dahil diumano sa pangingialam nito sa mga enforcer.
Si Bosita na founder ng Riders’ Safety Advocates of the Philippines ay nakilala dahil sa pagtulong niya sa mga rider na nahuhuli ng mga enforcer.
Ngunit hindi nagustuhan ng MMDA traffic operations chief na si Edison Bong Nebrija ang diumano’y panghihimasok ni Bosita sa trabaho ng enforcer.
Ayon kay Nebrija ay walang karapatan si Bosita na mangialam sa desisyon ng enfocer.
“Ilabas mo ang batas na nagtatalaga sayo ng kapangyarihan na pagbayarin ang enforcer namin ang isang araw na sweldo ng hinuli nila, baka usurpation of authority ka boy para iutos at ipilit sa enforcer namin yan.” ani Nebrija.
“Kung may problema ka sa huli namin bilang dating pulis at myembro ng HPG alam mo dapat sa adjudication nireresolba yan at wala kang karapatan pakialamanan huli ng enforcer namin. Kapag mali enforcer namin yaan mong yung hearing officer maresolution nyan at di ikaw. Eh kung gusto mong maghearing officer, eh magapply ka sa MMDA at di yung nagpapasikat ka sa YouTube. Marami ka bang views? Malaki na ba kita? Pangpondo na sa eleksyon? Dapat din daw ay mag apply itong hearing officer ng MMDA kung gusto niya talagang makatulong at hindi idaan sa kanyang mga vlogs ang “pagpapasikat”.” d agdag niya pa.
Inakusahan din ni Nebrija si Bosita na ginagamit lang daw ang pagtulong para makapasok sa politika.
“Huwag mong gamitin ang mga pobreng enforcer namin sa pamumulitika mo. Ginagamit mo lang ang riding community para sa political advancement mo, pwede ba?” saad niya.
Binanggit pa ni Nebrija ang isang kaso kung saan ay nakiusap na ang enforcer kay Bosita na wag na siyang i-post sa internet, ngunit itunuloy parin ito ng retiradong pulis.
“Wala ka pang isang salita sabi mo sa enforcer namin bayaran nya lang di mo na ivavaral video mo, nakiusap pa sayo at umoo ka na naman kasi may pamilya rin yung enforcer. Tapos inupload mo pa rin para magpasikat. Yan ba ang tatakbong partylist walang isang salita?” kwento niya.
Nangako naman si Nebrija na gagawa na sila ng legal na aksyon kapag nangialam muli si Bosita sa mga nanghuhuli sa EDSA.
“Gamitin mo galing mo huwag ibang tao. Minsan mo pang ulitin yan sa MMDA enforcer namin kahit hindi sa Edsa maghanda ka na ng abugado mo. But wait there’s more: pinaguusapan na ng MMDA Legal Team anong pwedeng ikaso sa pakikialam mo sa ttabaho ng enforcers namin,” sabi ni Nebrija.