Home Celebrities Bea Alonzo noon sa kanilang breakup ni Gerald Anderson: “Pakiramdam ko para akong basura”

Bea Alonzo noon sa kanilang breakup ni Gerald Anderson: “Pakiramdam ko para akong basura”

0

Kumalat muli sa social media ang panayam noon kay Bea Alonzo tungkol sa breakup nila ni Gerald Anderson matapos umamin ang aktor na sila na nga ni Julia Barreto.

Sa nasabing panayam na nangyari noong Agosto 2020 ay naging emosyonal si Bea habang nagsasalita tungkol sa nasira nilang relasyon ni Gerald.

Dito niya sinabi ni Bea na siya ay nakaranas ng “ghosting” o pang iiwan sa ere kay Gerald.

“Before it happened to me, I didn’t even know that, na may ganun pala. Na may ganung terminology for it. Ghosting. I didn’t know,” sabi ni Bea sa nasabing panayam.

Sinabi niya rin na ang breakup nila ni Gerald ang pinakamasakit na naranasan niya sa kanyang mga naging love life.

Ayon sa kanya ay hindi niya alam kung anong mali ang kanyang ginawa para iwanan siya ng ganon ng aktor.

“Without any reason why. I don’t even know what I did. I felt like it was unfair because kung may mali ako, sana naitama ko. Yung parang feeling ko it’s just having no respect for the relationship, for the three-year relationship,” ani Bea.

“Siguro yun ang pinakamasakit.” dagdag niya pa.

Pakiramdam din ni Bea ay itinuring siyang basura ni Gerald.

“I felt like garbage. I felt like I was worthless. So I guess iyon yung resentment ko, more than just the ghosting part. It was making me feel na I was worthless. And I believed it.” saad niya.

Inamin din noon ni Bea na may mga kaibigan siyang nawala dahil sa pagtatangol niya noon kay Gerald.

“Minsan iniisip ko rin kung naging need ba siya at some point? Kailangan ko siya because… I don’t have any friends anymore.” kwento niya.

“Because lagi kong ipinagtatanggol yung tao. I didn’t want people to think of him badly, so hindi ako magse-share.” dagdag niya pa.

Nitong nakaraan lang ay itinanggi ni Gerald ang mga akusasyon sa kanya ni Bea.

“Wala po akong ginhost,” sabi ni Gerald.

Ngunit sinabi niya na hindi naging maganda ang relasyon niya kay Bea.

Tinanong niya rin daw ang sarili niya kung ano nga ba ang nagawa niya kay Bea para umabot sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

“I’m not gonna say to you na wala akong mali, no. I know. Pero kailangan umabot sa ganun? I mean, did we really have to take the social media route or path?” saad niya.

Facebook Comments