Home Social Media Nagpakilalang pulis, tinakot ang isang netizen matapos hindi makalusot ang sasakyan sa pila

Nagpakilalang pulis, tinakot ang isang netizen matapos hindi makalusot ang sasakyan sa pila

0

Takot ang naramdaman ng isang netizen matapos nitong maka enkwentro ng isang motorista na pinagbantaan ang kanyang buhay.

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Ian Nunez ang pagkompronta sa kanya ng isang lalake na nagpakilalang pulis.

Sa video ay makikita na kinatok ng lalake ang sasakyan ni Nunez dahil hindi ito makalusot sa pila.

Sinabihan ng netizen ang lalake na pumila ng maayos ngunit hindi naging maganda ang tugon nito.

“Babarilin kita,” sabi ng lalake.

Dito na nagpakilala na pulis ang lalake kaya’t pinalusot na lamang ito ni Nunez.

 

Nakuhanan naman ng plaka ni Nunez ang nasabing lalake.

Hindi pa makumpirma kung totoo nga na pulis ang nanakot kay Nunez.

Umabot na ng libo libong shares ang nasabing video at tinatawag narin ng mga netizens ang atensyon ng mga mamamahayag katulad ni Raffy Tulfo upang maaksyunan ang ginawa ng lalake.

May ilang netizens naman ang pinuri si Nunez dahil pinairal nito ang pagiging kalmado at hindi na pumalag pa sa lalake,.

Facebook Comments