Home Celebrities John Lloyd Cruz, may ‘cryptic’ na mensahe sa social media sa gitna ng relasyon ng kanyang dating nobya na si Ellen Adarna kay Derek Ramsay

John Lloyd Cruz, may ‘cryptic’ na mensahe sa social media sa gitna ng relasyon ng kanyang dating nobya na si Ellen Adarna kay Derek Ramsay

0

May maiksing mensahe ang aktor na si John Lloyd Cruz sa kanyang social media page sa gitna ng usap usapan tungkol sa relasyon ng kanyang dating nobya na si Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Sa kanyang Facebook page, nag post si John Lloyd ng isang maiksing video kung saan ay tila may binabati siya.

“Hello, magandang gabi! Sana masarap ang tulog mo ngayong gabi,” ani John Lloyd.

Isa naman sa mga kasama ni John Lloyd ang sinabi na “kilig na kilig” ang aktor habang sinasambit niya ang kanyang mensahe.

Napaisip tuloy ang mga netizens kung nakahanap na nga rin ba ng bagong mamahalin si John Lloyd, ilang buwan matapos silang maghiwalay ni Ellen.

Pero may ilan naman na sinabi na baka naman mensahe ni John Lloyd ang nasabing video para sa kanyang mga fans.

Mayroon namang nagsabi na para daw kay Ellen ang nasabing mensahe.

Matatandaan na nagbunga ang kanilang relasyon ni Ellen ng isang baby.

Ilang araw lamang ang nakakaraan ay inamin ni Derek at Ellen ang kanilang relasyon.

Hanggang ngayon ay patuloy parin ang pagtanggap nila ng panayam para ibahagi ang kanilang love story sa publiko.

Naging kontrobersiyal din si Derek dahil sa mga pinasok na relasyon nito.

Pero ayon daw sa kanya ay handa na niyang pakasalan si Ellen dahil baka magsisi pa daw siya kapag pinalampas niya ang pagkakataon na ito.

“My heart tells me, if I don’t follow through with this one, I’ll regret it. Everything in my heart is telling me that, she’s the one,” sabi ni Derek.

UPDATE: Ang nasabing video pala ay para sa isa niyang fan na si Belle Ariate.

 

 

Facebook Comments