Home Celebrities Kuya Kim Atienza, binatikos ang isang sikat na online shop dahil sa pagbebenta diumano ng ‘pampatulog spray’ para sa mga kababaihan

Kuya Kim Atienza, binatikos ang isang sikat na online shop dahil sa pagbebenta diumano ng ‘pampatulog spray’ para sa mga kababaihan

0

Hindi nakapag pigil ang television host na si Kim Atienza o mas kilala bilang ‘Kuya Kim’ dahil sa diumano’y ibinebentang iligal ng isang sikat na online shop sa Pilipinas.

Sa kanyang Facebook post, pinuna ni Atienza ang ibinebentang pampatulog ng online shop na Lazada Philippines dahil sa produkto nila na ina-advertise kung saan ay ginagamit diumano ito para pahimbingin ang tulog ng isang indibidwal.

Ayon sa screenshot, ibinebenta sa nasabing online shop ang ‘Deep sleep one second spray marriage.

Makikita pa sa nasabing larawan ang isang tulog na babae na kahit hindi na maayos ang pagkakasoot ng kanyang pananamit ay mahimbing parin ang tulog nito.

“Shame on you Lazada. Do you even know what you are selling? Is this even legal? I’m calling you out. Shame.” ani Atienza.

lazada kim

Ayon sa ilang netizen ay matagal na rin nilang reklamo ang ilan sa mga ibinebenta ng nasabing online shop.

“Oh I was complaining about that a couple months ago. But nobody seemed bothered by it. Even Lazada just told me to start researching on other products and sexy products will no longer enter my feed. But my question is, with so many minors with access to Lazada, who knows what they will order?” ani Joyce Titular.

Isang netizen naman ang sinabi na maaring nag search si Kuya Kim sa internet ng produktong pampatulog kaya ito lumalabas sa kanyang newsfeed.

“Ads was shown base on customer search term and interest it was not shown for every body, iba yung nakikita kong ads sa nakikita mo. That’s Lazada algorithm,” ayon sa isa pang netizen.

Tinanggal na ng Lazada ang nasabing produkto sa kanilang website.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Lazada tungkol sa mga ads na kanilang ipinapalabas.

Facebook Comments