May panibagong nadiskubre ang National Bureau of Investigation (NBI) na maaring magpabago sa takbo ng kaso ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera.
Sa report ng online website na Politiko ay may nakita daw na “residue” ng ipinagbabawal na gamot sa loob mismo ng room 2209 kung saan ay namalagi si Christine bago siya makitang walang buhay sa bathtub.
Sinabi pa ng source ng Politiko na isa daw sa mga saksi nilang hawak ay sinabi na isa sa mga kaibigan ni Christine ang nag alok ng pinagbabawal na gamot sa kanya habang sila ay nasa loob ng 2209.
Ayon sa kanila ay nakakita sila ng residue ng pinagbabawal na gamot sa suka na kanilang nakita sa loob nasabing kwarto.
“We cannot establish right now whose v0mit it was, but it contains residue of an illegal substance,” ayon sa source ng politiko.
Hindi na rin nila tinitignan ang anggulo na pinagsamantalahan si Christine, ngunit naghahanda silang kasuhan ang mga kasama nito dahil sa pagiging pabaya nila sa flight attendant.
Mariin ng itinanggi noon ng mga respondents na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot.
Isa sa mga respondents ang naglabas noon ng istorya kung saan ay nagsumbong diumano sa kanya si Christine dahil may isa sa mga kasama nila na may inilagay daw na gamot sa kanyang inumin.
“Tumabi siya sa’kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something, parang naiiba ‘yung pakiramdam ko.’ I think merong naglagay sa inumin niya, sabi niya sa’kin. Then sabi ko, ‘Who?’ and then sabi niya, ‘I think Mark,’” ani Rommel Galido.
Kalaunan ay binawi ni Galido ang kanyang pahayag at sinabing tinuruan lang siya ng mga otoridad sa kanyang sasabihin sa publiko.