Home Celebrities Derek Ramsay, sinabi na si Ellen Adarna daw ang unang humalik sa kanilang dalawa: “Ang pangit talaga.”

Derek Ramsay, sinabi na si Ellen Adarna daw ang unang humalik sa kanilang dalawa: “Ang pangit talaga.”

0

Maingay na maingay ngayon sa social media ang usapin tungkol sa relasyon ni Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Sa isang panayam sa RX 93.1 kahapon ay nagbigay pa sila ng iba pang detalye kung paano sila nagkatuluyan kasama na dito ang kanilang unang halik sa isa’t isa.

Ayon kay Ellen ay akala niya talaga ay mayabang at walang respetong tao si Derek, ngunit ng makilala niya ito ay napakabait pala daw nitong tao.

“Very respectful talaga. Ang tagal niya ko bago niya ako kiniss!” ayon kay Ellen.

Saka ikinuwento ni Derek na si Ellen daw ang unang gumawa ng ‘move’ sa kanilang dalawa.

“First kiss, this can set the tone. Make or break. You’re supposed to kiss with your lips. I had a very good encounter with her teeth. I was, like, ‘What? Yun na ‘yon?!'” kwento ni Derek.

“So I dropped her off to her house. And then she goes in for the kiss. Bam! And she just walks out of the car. ‘Bye!’ And then she leaves.” dagdag niya pa.

Tinawag na “pangit” ni Derek at Ellen ang unang halik nila dahil medyo nahihiya pa sila sa isa’t isa ‘non.

Hindi naman daw makapaniwala si Derek na nahanap niya na ang kanyang katapat matapos ang kanilang first “real kiss”.

Kwento naman ni Derek ay una daw silang nag bonding ni Ellen nitong Enero 11 at naging sila naman ng Pebrero 4.

Simula daw ‘non ay araw araw na silang magkasama.

 

Facebook Comments