Home Celebrities Derek Ramsay, ikinuwento ang diumano’y istorya ng paghihiwalay nila ni Andrea Torres

Derek Ramsay, ikinuwento ang diumano’y istorya ng paghihiwalay nila ni Andrea Torres

0

Sa unang pagkakataon ay nagbigay ng mahalagang detalye ang aktor na si Derek Ramsay tungkol sa paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Torres.

Naging magkasintahan sa loob ng isang taon si Derek at Andrea at halos nauwi na nga sa halos usapang kasalanan ang kanilang relasyon.

Sa panayam sa kanya ni Pops Fernandez, sinabi ni Derek na biglaan ang paghihiwalay nila ng kanyang dating kasinatahan, ngunit nagkasundo naman daw sila bago sila maghiwalay ng landas.

“We ran across a little problem. And suddenly, it became much bigger. And I guess we both realized that it was something na both of us could not make certain adjustments to,” ani Derek.

“Instead of forcing it, let’s just go separate ways,” dagdag niya pa.

Hindi naman daw galit si Andrea sa kanya dahil maayos ang naging paghihiwalay nila.

“I never unfriended Andrea. There’s no hate siguro towards each other. You can see that she’s back into work, she looks great, she’s been working out.” sabi niya.

Ayon sa kanya ay pareho naman daw silang masaya ngayon kahit na hiwalay na sila.

“People think that I’m insensitive, but I have a supportive family and friends, good friends, who lift me back up. So, that’s what I have to… we have to move on,” saad ni Derek.

Ilang araw lamang ang nakakaraan ay inilahad ni Andrea ang kanyang mga plano sa buhay matapos i-anunsyo ni Derek ang kanyang bagong relasyon kay Ellen Adarna.

“Gusto ko po muna mag-spend ng time with myself. So Ganito na lang po muna talaga. Work and family and friends,” ani Andrea.

Facebook Comments