Home Social Media Dating delivery rider, pulis na ngayon dahil sa pagpupursigi na maabot ang kanyang pangarap sa buhay

Dating delivery rider, pulis na ngayon dahil sa pagpupursigi na maabot ang kanyang pangarap sa buhay

0

Isang dating delivery rider ang nagtagumpay na maabot ang kanyang pangarap sa buhay.

Ipinagmalaki ni Police Officer Renx Francisco D Ramos ang malaking pagbabago sa kanyang buhay matapos siyang maging ganap na isang pulis.

Ayon sa kanya ay tinulungan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagta-trabaho habang nag aaral.

Naging crew siya sa isang sikat na fast food restaurant at naging food delivery rider.

“HUWAG TUMIGIL NA ABUTIN ANG PANGARAP!
Working student ako sa jollibee. Pinag tapos ko ang sarili ko at nag delivery food muna habang naghihintay ng qouta sa pnp at sa wakas, naabot ko na pangarap ko. 
Successful men and women keep moving. They make mistakes, but they don’t quit. 
Renx Francisco D Ramos
PNP-AVSEGROUP CLASS 2020-02 “ALAB-BALASIK”,”

Binati naman ng mga netizens ang bagong pulis matapos maabot ang kanyang pangarap dahil sa pagsusumikap.

“Sir, nakakatuwa at nakaka proud kayo sir, sana lang hindi kayo matulad sa ibang mga Pulis na ginagamit ang pagiging Pulis makapanglamang lang sa kapwa, at nagiging abusado sana maging inspirasyon kayo ng mga kabataan…  Congrats  sir! Saludo po ako sa inyo,” ani Tata Doquela.

“Sana maging mabuting pulis ka at dika masilaw sa mga gawaing labag sa batas. God bless at Congratulations,” saad ni Neril Igano.

“Ingat lng lagi sa serbisyo maraming sacrifices pero magaan sa dibdib mo kung nakapagretire kn at nagpipension na ibig sabihin na survive mo ang mga balakid be safe always GOD BLESS,” payo ni Juan Capuyan Jr.

Umabot ng libo libong shares ang nasabing istorya ni Ramos.

Facebook Comments