Home Politics Robredo tinawag na “pikon” si Duterte matapos utusan na siya nalang ang mamili ng bakuna: “Parang hindi Pangulo yung nagsasalita”

Robredo tinawag na “pikon” si Duterte matapos utusan na siya nalang ang mamili ng bakuna: “Parang hindi Pangulo yung nagsasalita”

0

Tinawag na “pikon” ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong utusan ang ikalawang Pangulo na siya ang mamili ng bakuna kung may mahahanap siyang supply.

Sa isang panayam sa kanya ng GMA, sinabi ni Robredo parang hindi Pangulo si Duterte kung makaasta at makapagsalita sa kanya.

“Parang hindi Pangulo yung nagsasalita. Sobrang pikon,” ani Robredo.

“Parati naman sinasabi kapag pikon ka, talo ka di ba? Dapat sa trabaho namin di kami napipikon eh,” dagdag niya pa.

Depensa niya ay dapat ay tanggap na ng mga nagta-trabaho sa gobyerno na hindi sila makakaiwas sa kritisismo ng mga tao.

“Kasi sa trabaho namin, kailangan yung tao malayang mag-criticize eh. Kailangan yung tao, malayang magbigay ng suggestions, kasi yun yung makabubuti sa aming panunungkulan,” saad nbiya.

Ayon sa kanya ay kahit na bigyan siya ng pera ng pangulo ay hindi na siya makakabili ng bakuna dahil huli na daw gumalaw ang gobyerno sa pagbili ng bakuna.

“Kahit bigyan mo ako ng napakaraming pera, di na tayo bwelong bumili kasi late na tayo gumalaw eh,” reklamo niya.

Mga Septyembre ng nakaraang taon ay napabalita na nakikipag usap na ang Pilipinas sa Pfizer at Sinovac tungkol sa bakuna.

Ngunit dahil sa kakulangan ng supply ay hindi kagad nakakuha ng bakuna ang Pilipinas.

Paliwanag naman ng ilan, hindi naman masyadong nahuli ang Pilipinas pagdating sa bakuna.

Matatandaan na dumating ang unang supply ng bakuna mula China nitong nakaraang linggo.

Ngunit pinayuhan ni Robredo ang gobyerno na wag munang gamitin ang nasabing bakuna at hayaan muna itong pag aralan.

Hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang mga pahayag ni Robredo kaya’t binatikos niya ito at hinamon na siya ang mamili ng bakuna.

“Kung marunong kang makinig, walang bakuna ngayon available either hingin mo o nakawin o bayaran mo, not only the Philippines,” sabi ni Duterte.

“Ngayon kung gusto mo talaga para mahinto ka, kuha mo yung basket mo mamalengke ka sa labas ng bakuna, bigyan kita pera para kung may mabili ka bilhin mo na kagad at umuwi ka dito sa Pilipinas,” dagdag niya pa.

Facebook Comments