Isa sa mga miyembro ng legendary musical group na Apo Hiking Society ang boto sa isa sa mga bakunang ginagawa ngayon sa Amerika.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Paredes na tiwala siya sa ginagawang bakuna ng Johnson & Johnson na tinawag niyang “J & J” dahil daw sa kalidad nito.
“The J & J vaccine must be good. After all, Johnson yata yan. TUMATAGAL!!!!” aniĀ Jim.
Kahit ang singer na si Leah navarro ay nagbigay din ng kanyang komento.
“Kuya, tayo lang ang nakakaintindi. LOL” sabi ni Leah.
Ilang araw lamang ang nakakaraan ay inanunsyo ng Johnson & Johnson ang balita na sila ay binigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA) ng U.S FDA.
Lumalabas sa Phase 3 trial nila na umabot ng 85% ang effectiveness ng nasabing gamot laban sa C0VID.
Kakaiba din ang nasabing bakuna mula sa J & J dahil kinakailangan lamang nito ng 1 dose kumpara sa ibang bakuna na 2 beses kailangang turukan ang mga tatanggap.
Kumuha na rin ang Pilipinas ng anim hanggang sampung milyong doses ng nasabing bakuna.