Home Celebrities Sharon Cuneta sinabing pinalaki niya si Frankie Pangilinan na isang disente kaya’t todo tanggol siya dito: “I feel parang they’re helpless”

Sharon Cuneta sinabing pinalaki niya si Frankie Pangilinan na isang disente kaya’t todo tanggol siya dito: “I feel parang they’re helpless”

0

Sa isang panayam ng Pep.ph ay nagsalita muli ang megastar na si Sharon Cuneta tungkol sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Ayon sa megastar ay kung siya lang naman ang babatikusin ay hindi niya na ito pinapansin, ngunit pagdating daw sa kanyang mga anak ay iba na itong usapan.

Nararamdaman daw ni Sharon na parang walang laban ang kanyang mga anak dahil bata pa ang mga ito.

Ngunit naniniwala siya na pinalaki niya ng maayos ang kanyang mga anak kasama na dito si Frankie.

“I feel parang they’re helpless. They’re young and impressionable, and they’re being raised very well and as very decent human beings,” ani Sharon.

“So, ako yung nasasaktan for them, not because there maybe any truth to what the trolls are throwing their way. Pero mas dahil nanay ako at naiinis ako na nae-expose sa ganoong klaseng environment.” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay maaring may kinalaman sa politika ang ginagawa ng mga kritiko ni Frankie.

Hindi rin naman daw mapipigilan ni Frankie ang kanyang sarili na magsalita tungkol sa mga paniniwala niya dahil nagmana ito sa kanyang ama na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

“Nadadamay yung anak ko, when actually, we all know it’s supposed to be still a free country and everyone has freedom of speech. So if she dishes it out, she has to be able to take also what comes back,” saad niya.

“And my daughter’s very strong, and that’s not gonna stop her from saying what she thinks, because she knows… she also represents her generation and the generation that cannot speak up because they don’t have her platform,” dagdag niya.

Sinabi pa nito na sensitibo si Frankie pagdating sa kalagayan ng mga mahihirap niyang kababayan sa Pilipinas.

Pero minsan daw ay umaabot na siya sa punto na ibina-block niya na lamang ang mga kritiko niya.

“Minsan ano na lang, pinagtatawanan ko, idini-delete ko na lang o bina-block. Kapag sobra, minsan nagmamaldita ako once or twice, ‘tapos wala na, tapos na. Ano lang, pang-asar.”

Matatandaan na pinapaulanan ng kritisismo ang kanyang anak na si Frankie dahil sa kanyang mga opinyon tungkol sa mga nangyayari sa bansa.

Dahil dito ay pati ang kanyang singing career ay pinaulanan ng batikos ng mga netizens.

Facebook Comments