Home Social Media Mga guest, huling huli sa camera habang inuuwi ang mga halaman sa resort na kanilang binisita

Mga guest, huling huli sa camera habang inuuwi ang mga halaman sa resort na kanilang binisita

0

Huli ang mga guest ng isang resort sa Nagcarlan Laguna habang inuuwi nito ang ilang mga halaman na hindi naman pala sa kanila.

Sa post ng The Terraces by Legazia formerly Villa Sylvia, ipinakita nila ang ilang litrato na kuha sa CCTV kung saan kinukuha ng ilang guest na lumalabas sa kanilang resort dala dala ang ilang halaman.

Makikita na tila hindi pa itinatago ng mga guest ang mga inilalabas nilang halaman at nakalagay lang ito sa bag na tila parang wala silang ginagawang masama.

Ikinalungkot naman ng nasabing resort ang ginagawa ng kanilang guest.

Sana diumano ay nagpaalam nalang sa kanila ang kanilang mga bisita kung kukuha sila ng halaman.

May mga ipinapamigay naman daw silang mga halaman kung gusto talaga ng mga guest na mag uwi.

“..to all our valued guests.. hindi po kami madamot sa plants, pero please naman po, magpaalam po muna sana kayo ng maayos sa management hindi po yung basta na lang kayo hatak ng hatak hanggat ugat, meron po kaming mga sadyang ipinamimigay at meron din pong pinadadami pa lamang.. Please po, respeto sa resort, respeto sa management at respeto sa mga halaman… isang grupo na ganyan kadami ang kukunin ay baka po bukas wala ng matirang bulaklak at halaman dito sa aming resort.. maraming salamat po..”

Hindi naman inilabas ng resort ang pagkakakilanlan ng mga nasabing guest.

Maalala na naging uso ang pag aalaga ng halaman sa panahon na ito.

Ngunit marami ring mga indibidwal ang gumagawa ng hindi tama para lang makakuha ng mga halaman.

Ang iba ay ibinebenta pa nila kahit na iligal naman nila itong pinitas.

Umabot ng libo libong shares at reaction ang nasabing post.

Ilan sa mga netizens ang tinanong kung bakit walang nagbabantay sa entrance ng kanilang resort upang sitahin ang mga nangunguha ng kanilang halaman.

Ang iba naman ay pinaalalahanan ang resort na maglagay ng signs upang malaman ng mga guest kung maari nga bang pumitas ng halaman sa kanilang resort.

Facebook Comments