Home Celebrities DJ Chacha humingi ng resibo para mapatunayan na siya ay nagpapakalat ng propaganda ni Pangulong Duterte

DJ Chacha humingi ng resibo para mapatunayan na siya ay nagpapakalat ng propaganda ni Pangulong Duterte

0

Dinepensahan ng kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na si DJ Chacha ang kanyang sarili mula sa isang artikulo kung saan ay kasama siya sa mga celebrity na tumanggap diumano ng pera para magpakalat ng propaganda.

Sa kanyang Twitter, hindi napigilan ni Chacha ang hamunin ang news company na Rappler na magpakita ng ebidensiya na tumatanggap siya noon ng 30,000 kada buwan para magpakalat ng propaganda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Bakit kase hindi sinama ni rappler yung resibo saken? Yung ibang stars andun yung propaganda posts daw? Yung saken nasaan?” tanong ni Chacha.

Sinabi rin nito na hindi siya sumagot sa mga katanungan sa kanya ng nasabing news company dahil trabaho daw ito ng management niya.

“Hi Bonz! I didn’t reply because VCM management replied on behalf of their talents. But still, the headline is misleading show evidence na may propaganda yung post ko.”

Itinanggi niya rin na isa siya noong taga suporta ni Pangulong Duterte noong hindi pa naipapasara ang ABS-CBN.

Matatandaan na isa sa mga masugid na taga suporta ng Kapamilya network si Chacha, ngunit isa parin ito sa mga mawalan ng prangkisa ang kumpanya.

Ayon sa Rappler ay may ilang celebrities daw ang binayaran ng kumpanyang Twinmark Media Enterprises.

Umaabot daw sa 20,000-250,000 ang buwanang ibinibigay ng nasabing kumpanya sa mga celebrities katulad ni Chacha.

Pero kahit ang ilang taga suporta ni Pangulong Duterte ay hindi makapaniwala na nailagay si Chacha sa listahan dahil nga sa pagiging kritiko nito sa administrasyon.

 

 

Facebook Comments