Home Celebrities Apat na naturukan ng Sinovac, sumama ang pakiramdam. Ilang eksperto may paliwanag

Apat na naturukan ng Sinovac, sumama ang pakiramdam. Ilang eksperto may paliwanag

0

Ilan sa mga naturukan ng Coronavac na gawa ng Sinovac ang sumama ang pakiramdam matapos nilang mabigyan ng bakuna.

Ngayong Lunes ay apat ang naiulat na nakaramdam ng side effect ng nasabing bakuna at ang ilan pa ay nakuhanan ng camera habang isinusugod sa emergency room.

Sa ilang report ay ang mga nasabing binakunahan ay nakaranas ng pagkahilo, palpitations, at nagkaroon ng rashes matapos maturukan ng Sinovac.

Ngunit ayon naman sa ilang eksperto ay normal lang na makaranasan ng side effect ang isang binabakunahan kahit na anong klase pa ito.

Ayon sa Department of Health Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire ay nakauwi na ang mga nakaramdam ng side effect.

Pinaliwanag nila na hindi naman dapat matakot ang tao kung makaranas sila ng side effect dahil ito naman ay normal lang na nangyayari.

“Lahat po ito ay considered as minor adverse events. And ito po ay lahat na vinalidate natin at minanage. Lahat po sila ngayon ay nakauwi na. Wala tayong in-admit sa ospital,” ani Vergeire.

“Ito po ay common lang, hindi kailangang katakutan,” she added.

Matatandaan na marami ang hindi kumpleto ang pagtitiwala sa bakuna galing China katulad nalang ni Vice President Leni Robredo.

“Hindi ko naman sinasabing masama ‘yung Sinovac. Ang sinasabi ko lang mag-go through naman sana sa proseso para siguradong protected tayo.” ani Robredo.

Pero hindi pinakinggan ng gobyerno si Robredo dahil ipinagpatuloy parin nila ang pagtuturok ng Sinovac sa mga nagta-trabaho sa gobyerno.

Facebook Comments