Home Social Media “Heartbreaking” Kasambahay na nanonood lamang habang kumakain ang kanyang amo, kinaawaan ng mga netizens

“Heartbreaking” Kasambahay na nanonood lamang habang kumakain ang kanyang amo, kinaawaan ng mga netizens

0

Hindi napigilan ng libo libong netizens ang maawa matapos makita ang isang litrato kung saan ay makikita kung paano diumano tratuhin ang isang kasambahay.

Sa post ni netizen Cey Budomo, makikita ang isang kasambahay habang tila pinapanood lamang ang kaniyang mga amo habang kumakain sa isang restaurant.

Hindi naitago ni Budomo ang kanyang sama ng loob at sinabi na parang itinuring ng nasabing pamilya na ‘aso’ ang kanilang kasambahay.

“Heart breaker..SHOUT SA MGA AMO NA MAY KASAMBAHAY.
IMBIS NA PLATO AT PAG KAIN SA HARAP NYA PLASTIC BAG AT TISSUE,” ani Budomo.

“KUNG KAYO NA MAY KASAMBAHAY NA KASAMA SA MALL PUTRAGIS KAYO KUNG DI NYO PAKAKAININ ANG KASAMBAHAY NYO KASAMA NYO SA MESA WAG NYO NA ISAMA SA LOOB AT PAPAUPUIN NYO PA HABANG NAKAIN KAYO DI YAN ASO NA MAG AABANG SA INYO !! AT KUNG BALAHURA ANG UGALI NYO WAG NA KAYO KUMUHA NANG KASAMBAHAY MGA ANIMAL KAYO!! TAO ANG KINUHA NYO ITURING NYONG TAO ANIMAL KAYONG AMO,” dagdag niya pa.

Umabot ng libo libong shares ang nasabing larawan at hindi rin nag paawat ang daan daang netizens at ibinigay ang kanilang opinyon tungkol sa trato sa kasambahay.

Ilang beses din kumalat ang nasabing larawan dahil sa maraming netizen ang hindi mapigilan na maawa sa kalagayan ng kasambahay.

Hindi naman malaman kung ano ang pagkakakilanlan ng nasabing kasambahay.

 

Facebook Comments