Home Celebrities DJ Mo Twister, may patama kay Mayor Inday Sara Duterte na hinihikayat tumakbo sa eleksyon

DJ Mo Twister, may patama kay Mayor Inday Sara Duterte na hinihikayat tumakbo sa eleksyon

0

Tila isa si Mohan Gumatay o mas kilala bilang DJ Mo sa mga hindi natutuwa sa ginagawang kampanya ng mga taga suporta sa alkalde ng Davao City na si Inday Sara Duterte.

Sa isa kasing tweet ay tila sinabi nito na imbis tumakbo si Inday Sara sa eleksyon ay dapat diumanong takbuhan ng mga tao ang alkalde.

“Run from Sara, Run,” ani DJ Mo.

Matatandaan na kilalang kritiko ng ama ni Inday Sara na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing DJ.

Noong 2016 ay sinabi nito na gagayahin daw ni Pangulong Duterte ang Presidente ng North Korea na si Kim Jong Un.

Tinawag din nito noong “worse human being” ang Pangulo kaysa kay dating U.S President Donald Trump.

Dahil dito ay ilang beses din siyang nakipagpalitan ng banat sa ilang taga suporta ng Pangulo katulad ni Mark Lopez.

Bago umalis ng bansa ay naging matunog ang pangalan ni DJ Mo dahil sa naging isyu niya noon sa dating nobya na si Rhian Ramos.

Pinagbintangan din nito ang kanyang dating kasintahan na pinalaglag daw nito ang kanilang anak.

 

Facebook Comments