Home Celebrities Baron Geisler inamin na umiinom siya ng tatlong gamot para sa kanyang karamdaman sa sakit sa pag iisip

Baron Geisler inamin na umiinom siya ng tatlong gamot para sa kanyang karamdaman sa sakit sa pag iisip

0

Inamin ng kontrobersiyal na aktor na si Baron Geisler na umiinom siya ng mga gamot ngayon para sa kanyang sakit sa pag iisip.

Sa panayam sa kanya sa NET25, ikinuwento ni  Baron ang kanyang mga adbokasiya, katulad na ng pagtutulak na gawing mura ang gamot para sa mga may kapansanan sa pag iisip.

Ayon sa kanya ay napakamahal ng ilang gamot katulad na ng kanyang iniinom.

Inamin niya na umaabot sa tatlo ang kanyang iniinom.

“Ang pinakamahirap nito, nung maging mental health warrior ako, minsan nagpapadala ang gobyerno sa probinsiya ng gamot, pero hanggang doon lang ang abot-kaya nila. Napakamahal ng gamot, umaabot po ‘yan ng P150 ang isang tableta. Kung iisipin mo ‘yan, itong mga taong ito, hindi nila ma-afford,” ani Baron na inulan noon ng isyu dahil sa kanyang mga eskandalong ginawa sa mga pampublikong lugar.

“So, isa po ‘yan sa mga hinihiling namin sa gobyerno na bigyan nila ng pansin para matulungan yung mga kababayan nating merong problema sa pag-iisip. Kailangan kasi ma-sustain ‘yan. Ako, araw-araw ako na nagte-take ng gamot ko, and it’s no joke. May kamahalan talaga dahil hindi lang isa ang gamot na iniinom ko, tatlo!” dagdag niya pa.

Noon daw ay hindi siya naniniwala na mayroon siyang karamdaman, ngunit napagtanto niya rin ang tunay niyang kalagayan kalaunan.

“I’m not saying that I’m healed, but yung akin lang, ang nakakatulong sa akin is merong app na mga Bible verses siya na non-stop meditation. So, I listen to that and pray before sleeping. It helps me… hanggang sa paggising ko, I’m like… I’m so grateful. I’m alive, God!” saad ng aktor.

Maraming netizens ang natuwa sa malaking pinagbago ni Baron ngayon.

Ngayon ay masaya ang aktor sa piling ng kanyang asawa na si Jamie Marie Evangelista, isang psychologist.

 

 

Facebook Comments